34

281 10 10
                                    

Kakarating lang nila Cas ng makita na tahimik ang pamilya ng asawa at di maipinta ang mukha ng ina nila napansin naman niya na may nakita siya na mahabang mga binti na nakasuot ng mamahaling americana, yung isa naman naka jogging pants pa at ang sama ng tingin ng katabing nurse pagkalapit ay tumingin sa naka jogging pants "Tristan wala na kayo ng asawa ko, alam ko concern ka at nagpapasalamat ako, pero isipin mo naman ang girlfriend mo" tumayo na ang lalaki at kinaladkad ng nurse paalis "you are Elbert Philis?" Tumango ang lalaki "lets talk" napatingin naman ang ama ni Alabaman

***

"Capistrano after this set her free" nagpatuloy "ayoko na makulong siya sa pag sasamang walang pagmamahal" pag tutumbok pa lalo

"Why do you assume there is no love in our marriage?" Tanong niya sa lalaki

"Your friendship wont keep her happy! Set her free!" Gigil na saad muli nito, na talagang inuutusan siya na hiwalayan ang sariling asawa.

"Sino ka para iutos sa akin na hiwalayan ang asawa ko? Wag kang makialam sa pagsasama namin." Matalim na sagot ni Cas sa lalaki, kung di lang siya mahina talagang walang usapan at deretso bugbugan, sobrang nakaka lalaki na ang gago.

"You listen to me! Binihisan ka lang ng maayos, at pinag aral ng mga sinipsipan mong mga amo! You're nothing for alabama!" Dito na insulto na siya na para bang kulang na lang himurin niya ang sapatos ng mga ito, scholar siya at ginawa niya lahat para mapag buti ang sarili.

"At wala ka pang napapatunayang hayop ka! Lahat ng mayroon ako pinag paguran, pinaghirapan ko! Ipinanganak ka lang mayaman!" Pabalik dito "nais kong mag usap na tayo ng maayos, alam ko na inaahas mo ang "asawa ko" tama?" Doon na sumabog ang lalaki

"Mahal ako ng asawa mo "akin lang si Alabama!" Ikaw ang dahilan kung bakit nahihirapan siya!"

"Hindi iyo ang "ASAWA KO" AKIN AKIN! HINDI AKO PAPAYAG MAPUNTA ANG ASAWA KO SA IYO O KANINO MAN!" Talagang tinaasan na niya ang boses napansin naman niya na may nag rerecord na, pero wala siyang pake siya ang tama!

"BAT BA AYAW MO? HINDI KA MAHAL NG MISIS MO!"

"DAHIL AKO MAHAL KO SIYA!" Sambulat ng lalaki "oo palpak ako kasi di ko siya nagawang protektahan kay Honda, hindi ibig sabihin na nagpabaya ako! Hindi ko idadahilan ang kahit ano para takasan ang sisi ng nino man!"

"Mahal mo siya?"

"Oo, hindi naman ako papakasal dahil lang sa udyok ng ina ko" napatahimik ang dalawa "kami na ngayon, nakikiusap ako sa iyo lalake sa lalaki tigilan mo na ang asawa ko"

"Paano ko gagawin yun kung mahal ko ang asawa mo." Napansin naman niya na may nag samsam ng cellphone baka tauhan ng lalaki, concious talaga ang mayayaman sa kanilang image.

PAK!

Umalingawngaw ang isang malakas na sampal nagulat si Cas ng makita na may sumampal sa kausap, nakita niya ang isang artista. Si Romina luhaan at galit, habang nakasuot ng gown "you told me to wait HINDI KO NA KAYA!" Sambit ng pobreng babae

"Romina?"

"NAKAKAHIYA! NAGHAHABOL KA SA MAY ASAWA! ANG FIANCE KO HUHU ANG SAMA SAMA MO MAGSISIMULA NA MAMAYA ANG PARTY NATIN PERO NANDITO KA PA!"

"I will be continue the engagement mauna ka na"

"No El-"

"Stop! Only Alabama and my mother could adress me with that name! Go now!"

Nanakbo ang babae na naiyak "ano? Alam ng lahat ang engagement ninyong dalawa"

"Dapat sana for show yan" napa kunot ang noo ni Cas "ang totoo kasi kung pumayag si Alabaman sa plano ko dapat sana, itutuloy ko ang engagement, pag matagal tagal na ikakansela ko na"

Alabama's WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon