"Sinasabi nilang lahat dapat nirendahan ko ang aking anak sa pagkakaroon ng mga relasyon sa iba't ibang lalaki"
"Bakit po hindi ninyo pinakialaman si Alabama?" Tanong ni Cas sa ama ng asawa
Nakaupo ito sa wheelchair at nasa lobby sila ng ospital "bakit ko naman pag babawalan ang anak ko? Sa states ko siya pinalaki, at normal lang na madami siya makaka relasyon, may iba nga doon hindi nila alam kung kanino sila nabuntis" sagot nito at nag patuloy "my daughter suffered a lot with her first heartbreak, her mother's deeds worsen it, ayoko nang maka dagdag sa mga gumugulo sa utak niya, sa bawat relasyon na pinapasok niya nandodoon ang mga takot ko"
"Takot?"
"If this one would also cause a heartbrake? Kakayanin ba niya bumangon at magmahal muli, pero personal choice iyun ng anak ko, ayoko makialam ang gusto ko lang maging masaya siya, kung masaktan man ang anak ko nandodoon pa rin ako para tulungan siya. Kaso sa bawat sakit na naranasan niya kinaya niya Cas, she could painfully pick her broken pieces without anyone's help. I admire her not quiting in love" pauses "like what I have done, abandoning the idea of maybe this next will be my last and be happy more happier than I did from her mother."
"Tito, hinahangaan ko po kayo sa tibay ng loob ninyo"
"Kailangan kong maging matibay, dahil ako lang ang magiging sandigan ng aking anak pag nasaktan o nahihirapan siya, pero ngayon puwede na akong muli bumalik sa pagiging mahina" sabay hawak sa kamay ng manugang "nandiyan ka na sa kanyang tabi, wag ka nang malungkot sa pagkawala ng anak ninyo" namasa naman ang mata ni Cas "ito ang paraan niya para sagapin ang ina, hindi din niya gusto na masaktan ka sa pagpapa terminate mo sa kanya."
"Tito"
"May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan, Cas alagaan mong nabuti ang anak ko"
"Opo sir"
***
"Alabama konti pa" pinapipiga ng doktor ang stress ball sa dalawang kamay ng asawa para daw unti unti itong maging ready sa theraphy madalas na nandito din ang physical therapist ng asawa para masahiin ito
May isang dosena din nitong nagawa ng tumigil "yan mam mabilis kayong makakarecover, basta lagi po kayong nasunod sa pinapagawa sa inyo" sabay masahe sa binti ng asawa, napapaigik ito sa bigat ng kamay nito, sa totoo lang ito nagmasahe sa balikat niya para gumaling, halos mapaihi siya sa sobrang sakit ng masahe nito, kababaeng tao ka bigat ng kamay, parang palito naman ang katawan.
"Miss ka hinaan naman ang sakit sakit mong mag masahe"
"Ah sir mahina na po to, di ko po puwede i-mild gaya ng masahe sa iyo"
"Mild pa yun kamo?!" Napahawak sa balikat
"Sabi ni Dok medium na daw ang gawin kong masahe sa inyo at wag daw muna hard at baka mapaihi kayo sa sakit."
"Mahihimatay ako sa sinasabi mo diyos ko" sabay punas sa pawis, so mild pa pala yung masahe nung una "pupuwede ba skip na lang?"
"Sir para naman kayong di lalaki" Napatawa naman ng mahina si Alabama kaya nag ka ideya si Cas "sir sa office po tayo ni Dok?"
"Di dito na lang" kampanteng sagot
***
"Aray" napatawa si Alabama kala mo nag kung fu ang pt at ang asawa ang malas punching bag "nay yung chili pad po?"
"Oh anak to" sabay lagay ni Rhoda
"Aray!" Napatawa naman ang ina niya
"Okay lang iyan anak pag magaling ka na wag ka nang babalik dito, kahit nga daw sila Mercedes pag kailangan ng hilot naiwas sa nurse na yun haha"
"Ganon po?"
"Oo anak" sabay tingin kay Alabama "she will be okay anak"
"Ngumiti naman si Alabama"
"Cas ipasyal mo kaya muna sa labas, nabuburo na siguro siya dito" tumayo naman si Cas at tinawag ang isang nurse para buhatin ang asawa
"Sir ako na lang po ang mag tutulak di pa masyado okay yan" ani ng nurse at nag tulak na ito patungo sa garden ng hospital
Habang nasa garden sila di mawala ang tingin ni Alabama at ni Cas sa isang bagong anak na babae karga ang anak at masayang nakikipag kulitan ang asawa pati na ang iba pang miyembro ng pamilya.
Hanggan sa umalis na ang mga to, hinawakan naman ni Cas ang kamay ni Alabama "okay ka lang?" Umiling ang asawa niya "magiging okay ka rin, magkakaroon din tayo ng anak, at pihado napaka saya natin pag nanyari iyun"
"Sir maghahapon na po, kailangan na po ni mam na kumain at uminom ng gamot" pag papaalala ng nirse sa oras
"Sige tara na" tumayo naman si Cas at napansin niya ang lalaki na nakamasid "alabama mauna ka na sabay halik sa noo nito at dinala na ng nurse ito sa kuwarto, lumapit naman ang lalaki "ano ang pakay mo?"
"Cas puwede ba tayong mag usap"
"Ano ba iyun?"
"Puwede ba ibaba mo yung kaso mula sa prostrated murder, pababa sa prostrated homicide ang kaso ni Honda"
"Ike, bakit ka concern sa babaeng yun?"
"Asawa ko siya, kahit pa parehas kaming may problema di ko naman puwede siyang pabayaan, minimum of five years at danyos perwisyo, kung magiging maayos si Honda sa loob maaring after two years makalaya na siya dahil sa good cunduct makapag aaply siya for pardon"
"Tingin mo papayag ako? Saka diba idinivorce ka na niya?" Balik tanong niya, hindi niya maintindihan ito ang nag suplong sa asawa eto siya sa harap niya nahingi ng pabor ukol sa kaso ng babaeng yun
"Hindi ako pumirma" nagulat si Ike "may kasalanan ako sa lahat ng nagawa ng asawa ko, kung sana naging open ako na wala akong balak tuparin ang gusto ng mga ina namin sana ikaw at siya ako at si Alabama, walang ganitong gulo" paliwanag nito sa kanya
"Pero nanyari na" umiling siya "hindi ako-"
"Pangako pag binaba mo ang kaso niya, hindi na ako magpapakita sa iyo at sa asawa mo, pag pinirmahan mo yun acknowledgment na pumapayag kang lumaya siya gamit ang pardon, nangangako ako gagawin ko ang lahat para hindi na kayo magkita pa, o malapitan niya si Alabama, ilalayo ko siya sa inyo"
"Bakit mo ba to gingawa?"
"Dahil mahalaga pa rin sa akin ang asawa ko, matalik na magkaibigan kami bago pa man dumating si Alabama at ikasal kami" tumayo si Cas "Please nagmamakaawa ako sa iyo."
"Siguraduhin mo lang na gagawin mo lahat ng pinangako mo"
"Oo salamat!"
BINABASA MO ANG
Alabama's Wall
General FictionAlabama was never a choice for her mother, at a young age nasaksihan niya ang kasal ng ina sa lalaking pinagpalit sa ama na nagpakakubang magtrabaho para maging doktor ang ina. Sa malayo nakatanaw sila ng ama, masakit na may iba na tinawag na "mommy...