Author's Note:
Sorry for the late update
Happy Reading!
***
"This is my Son Benjamin, anak ko siya sa ikatlong asawa ko" napatulala naman sila Jestoni, Mercedes, Simon at si Janna, nalaman kasi ni Mercedes na hahanapan ng asawa si Alabama ng dating kinakasama, una ayaw pa nga sila isama ng partido nito ngunit nagwala si Mercedes at para tumigil sa eskandalo pumayag na sila na sumama ito. Pero sila ang masusunod sa pagpili, nandito lang si mercedes para tignan ang mamanugangin. "He is a Liscened Engineer" at madami pang sinabi ito.
"Do you mind if we ask nasaan ang ama niya?" Janna asked and Alabama look at her
"He is out of the picture, do you want to know why?"
"If you want do discuss it, mas maiigi na maging open tayo diyan" Simon said
"Well I found out that this kid's father, converted to Islam and married his second wife without my consent!" Inis na inis na sabi, muntik nang mapasamid si Mercedes sa sinabi nito, dahil nakakatawa man tamang tama silang tatlo nila Simon at Jestoni sa nanyari sa babae, para sa kanya ang awkward ng topic "if you don't mind, I know my son is the the perfect guy for your daughter and I want to secure his wellbeing" hindi naman nagsasalita ang anak nito at hinahayaan ang ina "gusto ko sana na magkaroon sila ng prenup"
"Prenup?" Taka ni Alabama, bigla naman nag text ang tiyuhin niya at doon na napapunta ang atensyon, sa totoo lang ayaw niya na kasama ang ina niya, pero pinagbigyan na nang ama niya so she needs to get along to her
"Oo ija alam ko masyadong maaga to discuss pero my son has properties na magkakaroon ng conflict kaya naman" nagdada na naman ito hindi na ito pinansin ni alabama ng "If ever your daughter split up with my son, wala siyang makukuha sa kanya, and as a result she should give half of her assets"
"Misis you wanted me to give half of mine if ever I am the one who split up? Then if your son is the one who split up, I would have none, then hahatiin pa namin ang assests na nagkaroon kami habang kasal? While me wala na makukuha?!" Hindi makapaniwalang saad
"Ija, kasi hindi naman kayo maghihiwalay kung ayaw mo? Aba my son is commited here what do you want me to look like na gold digger ako, for your information my son's asset is worth 100 million pesos! Kasama na doon ang mamahanin niya!" Mayabang na saad
"And for your information my daughter's assets is worth 350 million dollars!" Natameme ito sa sinabi ni Mercedes dahil nainsulto ang anak niya "hindi pa doon kasama ang mamanahin niya sa akin, sa ama, at mga future earnings niya as a writer, and royalties!" Sabay tayo "lets go! Hindi natin kailangan ang lalaking walang say sa mahaderang ina niya!" Nagtayuan na sila at umalis ng magsalita si Janna
"mayaman kayo diba?! Puwes kayo ang mag bayad ng bill!"
***
Pagod na pagod silang lahat dahil sa limang ka meet up ang inisiksik sa isang schedule, may tatlo pa bukas "kuya kaya mo pa ba?" Janna asked
"Sa totoo lang, kaya siguro ganon tingin nung huli kay alabama ay dahil sa itsura ko"
"No Kuya! Talagang oportunista sila! Right after we left maya't maya tumawag silang mag-ina sa matchmaker, mukha silang pera" sabay upo ni Janna.
***
Nasa huling meet up na sila Jestoni, medyo pagod na siya, ng biglang pumasok sa loob ng cafe si Rhoda kasama ang anak "Hi po tita Rhoda!" Bati ni Alabama "bat po kayo nandito?" Tanong nito
"Ah i-memeet up namin ang pakakasalan ng anak ko" magiliw na sabi
"Huh may nobya ka na pala Cas ha di ka nagsasabi!" Pang aalaska nito kay Alabama pero hindi ito naimik na parang natatae na ewan
"Oh! Ito na pala sila!" Bungad ng matchmaker "ito yung sinasabi ko I save the best for last!" Todo ngiti naman si Rhoda
"Cas?"
"Upo na kayo" sagot naman ng ama at nagsimula na silang mag usap
***
" I think he is the best for my only daughter" nagsalita si Jestoni kay Mercedes na tahimik"Jestoni why are controlling our daughter again?! Lagi mo siyang kinokontrol!"
"Kung totoo yan mercedes, hindi mo na makikita talaga ang anak mo noon, I gave you a chance to be a good mother, hindi dahil sa nag-hahahangad pa ako na bumalik ka sa akin" umubo "kung totoo yan hindi ko na dapat pumayag bumalik si Alabama sa pilipinas matapos ng lahat ng nanyari sa inyo. Ginusto ko na maayos kayong mag-ina bago ako mawala" tumungo si Mercedes "kung matigas man ang puso ng anak ko ikaw ang nagturo sa kanya na tiisin ka, sinaktan mo siya, pinatay mo ang anak niya."
"Di ko sinasadya" tumulo ang luha
"Lagi ka naman ganyan "di mo sinasadya" gaya ng pagkakabuntis mo kay Alabama nag pabaya ka kaya nabuntis ka. Totoo diba I was cautious but you are not, ako pa nga taga takbo sa drugstore noon dahil nalilimutan mong bumili ng pills. Nandito na yung anak na ayaw mo sa mundo imbes na magpaka ina ka ng magkasama kayo muli ano ang ginawa mo mas pinaburan mo ang anak ng asawa mo." He continued "at hindi naman talaga ibibigay ng ina at ama ko ang anak natin sa iyo Mercedes dahil ng isang buwan lang si Alabama nawala ka sa katinuan binusalan mo ang bibig ng anak natin, Kung hindi lang nakita ng tiyuhin ko na galing pang ilocos ang ginawa mo patay na ang anak natin!"
"Jestoni" sabay tingin sa paligid
"Nung isang taon lang si Alabama, pinainom mo ng tubig galing sa poso na nasa gitna ng bukid, eh alam na alam mong nagbobomba ng pesticide sila, tatlong linggo ang anak natin sa ospital kaya nagkanda utang ako sa mga katrabaho ko para makauwi."
"Ano ba may makarinig sa iyo!"
"Totoo naman na pabaya ka talaga, kaya di rin kita inasahan na mag alaga sa anak natin, kaya mas ninais kong sa maynila ka na lang!" Umiling "ang dami dami mong kapalpakan ang huli ng tatlong taong gulang si Alabama ng dinala mo sa tiyahin mo, nagsasaya ka sa kasiyahan sa loob ng bahay si Alabama inilabas ng tiyahin mo kung saan na napapunta at nakagat ng aso! Sa DSWD pa namin nakita at nakasuwero pa dahil may pulmonya! Dalang dala ang anak natin sa iyo kaya di na nagsasama o kaya naman nagtatago wav mo lang maisama siya!"
Nanliliit si Mercedes sa katotohanang isinasampal sa kanya ng lalaki "Napapauwi ako ng wala sa oras para hanapin o tignan si Alabama kung okay pa ba sa ginagawa mo, minsan nga naiisip ko talagang sinasadya mo para wag namin paalagaan sa iyo! Tapos nung buntis ang anak natin ang pinaka malala akala ko nagbago ka na mas lumala ka pa!" Sabay alis nito sa harap ni Mercedes"Jestoni alam ko pabaya ako, hindi ako handa ng ipinanganak si Alabama at di ko agad na tanggap na anak ko siya, pinilit ko maging maayos pero palpak talaga ako sa anak natin, huhu pero di ibig sabihin hindi ko mahal ang anak natin!"
"Ako ba handa noon ng dumating siya hindi diba di ko nga nakasama ng mga unang taon niya dahil sa dami ng responsibilidad ko, mas dapat natanggap mo siya kasi sa ikaw ang nagluwal!" At iniwan na nang tuluyan ang kausap

BINABASA MO ANG
Alabama's Wall
General FictionAlabama was never a choice for her mother, at a young age nasaksihan niya ang kasal ng ina sa lalaking pinagpalit sa ama na nagpakakubang magtrabaho para maging doktor ang ina. Sa malayo nakatanaw sila ng ama, masakit na may iba na tinawag na "mommy...