Author's Note:
Enjoy reading!
***
"Dad thank you po!" Sabay akap sa regalo na manika ng batang si Alabama mula sa kanyang ama."Tay, si Mercedes?" Sabay labas ng portrait na inuna ni Jestoni na ipagawa nakapasa kasi last year ang kinakasama bilang doktor at iyung lathala na kopya ng diyaryo ang pina frame niya.
"Anak wala na kaming balita sa kanya, ni nga si Alabama di nga niya binibista mula ng pumasa siya"
"Baka busy po sa ospital" isang scholar si Mercedes at ang sinusuntentuhan ni Jestoni ito mula sa dorming hanggan sa allowance nito, isa siyang finance consultant sa isang firm sa Amerika sa Alabama Resources na nag-sponsor sa kanya mula pag-aaral at dinestino sita sa main office sa Alabama kung saan doon ipinangalan sa anak nila.
"Mag sisix na si Alabama di man lang pumunta sa mga okasyon para sa bata, anak yan kinakasama mo iba talaga ugali" sentimyemto ni Jacob ama ni Jestoni
"Tay naman"
"Siguro naman nakuha mo na ang green card mo mag papakasal na siya sa iyo!" Tawanan ng mga kapitbahay na pinasalubungan ni Jestoni
"Kuya!" Nanakbong para hinahagad ng maligno si Janna kapatid ni Jestoni "kuya ang asawa mo ikakasal na!"
"Oo aalukin ko na siya ng kasal" nakangiting sabi ni Jestoni
"Luto na ba ang palabok?" Umiling ang babae "Hindi sa iyo!" Sigaw ni Janna "kuya ikakasal siya sa artista! Kay Simon Irañon!" Sabay labas ng pinag balutan ng tinapa kung saan nandoon ang litrato ni Mercedes at artistang si Simon na isang produkto ng Showbiz royalty ang ina nito ay dating Miss Universe at ama ay isang action star pati na mga ninuno nito ay mga sikat din sa larangan na iyun "kuya ginago ka niya!" Umiiyak na sabi nito
***
MABUHAY ANG BAGONG KASALMABUHAY!
"Salamat po!" Matamis na ngiti ni Mercedes sa mga bumati sa kanya at sa asawang si Simon sa simbahan.
"Tita ganda mo!" Sambit ng Stepdaughter na si Honda Miyata Irañon ang anak sa namayapang asawa ni Simon na si Shisuka Miyata isang sikat na modelo namatay ito sa panganganak kay Honda, kinarga naman ito ni Simon
"From now on ako na ang mama mo!"
"Yehey!" Sabay akap ng anim na taong gulang na si Honda.
nasa di kalayuan ang napasugod na pamilya ni Jestoni labit ang anak "dad bat si mom kinasal sa iba?" Naiiyak sa sambit "bat mama tawag kay mom nun bata sa commercial ng gatas" naiiyak na sambit ng walang muwang na si Alabama"
"Matapos mong igapang ang pag-aaral ng babaeng iyan iba pala ang nakikinabang parang natapong tubig ang hirap mo anak" iling ng ina ni Jestoni
"Tay, Nay pasabi sa mga naiwan sa probinsya ayusin lahat ng gamit natin"
"Bakit anak?!"
"I-pepetion na namin kayong lahat ni Janna at ni Kuya Jobel sa amerika, pinirmahan naman ni Mercedes ang costudy ng bata noong diba? Akin ang anak namin!" Sabay karga sa "lumabas na sa US Embassy kanina ang Visa sa makalawa na alis nating lahat"
"Pano si Mom?" Tanong ni Alabama
"Hindi mo siya mom walang mommy ma iiwan ang anak para sumama sa ibang lalaki" nag igting ang panga ni Jestoni at umalis na sila.
***
After a month....."Honey salamat at pumayag ka na bawiin ko si Alabama"
"Mahal na mahal kita Mercedes, magiging masaya si Honda may kalaro na siya tapos magiging ate ma din silang dalawa" sabay himas sa sinapupunan ni Mercedes at lumabas ito ng kotse masa Zambales sila kung saan doon nakatira ang mga magulang ni Jestoni at anak babawiin na niya ang anak at aampunin ni Simon bilang legal na anak, oo mali ang ginawa niya na ilihim ang totoo na may iniibig na siya na iba, at ngayon itutuwid na niya ang pagkakamali maaring galit ngayon si Jestoni pero mapapatawad siya nito pag titiyak sa sarili ni Mercedes.
Tok! Tol!
"Tatay Jacob, Nanay Paciana?! Alabama anak?"
"Wala nang tao diyan!" Sambit ng kapitbahay nila Mang Jacob "wag ka nang babalik!" Mabilis naman na pumunta si Mercedes sa harap nito
"Aling Tere asan sila? Asan ang anak ko?!" Kinakabahan na sabi
"Aba? Sawa ka na bang manlalaki saka mo maalala ang anak mo!? Oy doktora ka pa naman napaka immoral mo!" Sabay sarado kinatok ng kinatok ni Mercedes ang pinto pero di ito natinag man lang nilabas naman siya ng asawa
"Tara na balik na lang tayo" akmang aalis ma sila ng makita ang nakataling native na baboy ng babae na nakain kumuha ito ng pang yabat
"Aleng Tere! Nasaan ang anak ko o pipilayan ko ang baboy mo!" Napalabas naman ng babae
"Oy wag mong pakiaalaman ang baboy ko, kung nagpapakababoy ka wag mo idamay ang nanahimik na baboy ko!" Sabay kuha sa alaga at bato ng isang sobre "habang nagpapakasaya ka sa iyung pulot gata, ang sisid marino kung igapang ni Jestoni ang pag-aaral mo kumuha ng court order iyan siya na ang legal guardian!"
"Nasaan si Alabama!?"
"Wala na dito lumipad na sa New Zealand!"pagsisinungalin ng babae kay Mercedes at sa asawa nito.
"Doon?" Simon
"Oo doon naka destino si Jestoni" at nagmadali silang umalis lumapit naman ang ibang kapitbahay
"Ay naku tagal nawala kaya di niya alam tatlong taon na si Jestoni inilipat ng kompanya pinagtratrabahuhan sa States!" Tere
"Oo nga tere yung kati kasi ang inuuna niya hahahaha"
"Ewan ko lang kung makita pa niya si Alabama, mag bilang siya ng tupa doon! hahaha"
"Wag sana mag mana kay Mercedes"
nagkagugulo na sa pag-uusap ang mga tao sa pag alis ni Mercedes sa lugar

BINABASA MO ANG
Alabama's Wall
General FictionAlabama was never a choice for her mother, at a young age nasaksihan niya ang kasal ng ina sa lalaking pinagpalit sa ama na nagpakakubang magtrabaho para maging doktor ang ina. Sa malayo nakatanaw sila ng ama, masakit na may iba na tinawag na "mommy...