11

324 15 4
                                    

"Mecedes, ilang araw ka nang walang matinong tulog" Simon niyakap ang asawa "wag mong sisihin ang sarili mo sa lahat ng nanyari"

"Ang tanga ko huhuhu ang tanga tanga ko!"

Nagising na mabigat ang loob ni Mercedes tinungo ang drawer niya at kinuha ang mga sulat ni Ike para sa anak, sising sisi siya sa nanyari maling mali na pagkatiwala niya si Alabama kay Honda, totoo sino bang di Santa ang pahihirapan ang babaeng nabuntis ng katipan? Loka loka siya dahil inakala niya mabait si Honda at kayang intindihin na hindi alam ng anak na katipan niya si Ike.

Nanyari na

Wala nang magagawa

Kahit magsisihan pa

At ibuntong lahat ng galit niya kay

Honda

Ay di mababago na napatay niya ang

Sariling apo dahil sa pagmamataas niya.

***
Pagkaayos ng mga gamit ay agad bumaba sa hagdanan para pumasok sa Ospital nakita naman niya si Honda at akmang lalapit ito ng siya na ang umiwas ayaw niya makapag bitaw ng masasakit na salita dito at palalain pa ang sitwasyon.

Natatawa siya sa sarili

Inaalala niya ang masamang dulot ng init ng ulo kay Honda

Samantalang kay Alabama

Sa sariling dugot laman

Nagawa niya itago ito para mapagtakpan ang kakulangan niya bilang isang ina.

Ni hindi niya inalam kung saan nangagaling ang hinagpis ng buntis na anak.

Bagkus...

Nagawa niya itong saktan hanggan mapatay niya ang apo.

Nasa huli talaga ang pagsi sisi, ika sa sarili ni Mercedes habang binabagtas ng kotse ang daan patungo kay Alabama bago pumasok sa trabaho.

"Mam may bisita po kayo"

"Sino?" Tanong ni Alabama

"Ako anak" sagot ni Mercedes

"What mom?" Umalis naman ang sekretarya niya at sinara ang pinto "mom, puwede paki bilisan" nagulat naman si Alabama ng may ipinatong ito sa lamesa

"Dapat binigay ko to sa iyo noon, kaso hindi nga nakarating" tumingin siya sa Ina "anak, itatama ko lahat ng aking pagkakamali"

"Mom? Patawa naman po kayo, paano mom?" May pait sa ngiti ng anak "Babalik kayo noon six years old ako at di na pakakasalan si tito Simon" may patama sa kanya at damang dama ng puso niya ang tindi ng sinabi nito

"Anak" hindi siya pinausap ng anak

"Paano mo itatama lahat mom sa atin kung ang tingin mo sa akin isang malaking pagkakamali?" Napatungo siya dahil may bahid ng katotohanan iyun

"Anak inaamin ko totoo ang sinabi mo na pinagsisihan ko na ipinanganak kita, pero ng masilayan kita minahal na kita" umiyak

"Mom wag ninyo na po akong bolahin, alam ninyo mom? Gustong gusto ko kayo tawaging mommy kaso ang taray taray ninyo sa akin" binaba ang ballpen "simpleng pagkakamali papaluin ninyo na ako, na hindi nagawang pagbuhatan ako ng kamay ng mga taong pinag iwanan ninyo sa akin na dapat pag nasa probinsya kayo, ako po dapat ang inuuna ninyo para naman maka absuwelto kahit saglit sila lolo pag-aalaga sa akin." Napakamot sa ulo "pero ano bawat kibot ko mali, kulang na lang wag ninyo akong paghingahin para mawala na ang peste sa buhay ninyo. Pulos kayo pag-aaral at kating kati kayo umalis ng bahay para wag akong maalagaan!" Humikbi si Mercedes "inggit na inggit ako sa mga kalaro ko sila "mahal sila ng mga nanay nila ako hindi, hindi ko naman po hinihingi na gawin ninyo akong prinsesa, ni hindi ninyo ako masuklayan nang buhok para kayong diring diri sa akin!" Hinanakit nito

Alabama's WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon