Dear diary,
Nagpa-practice kami ng doxology ngayon pero saglit lang ako nakapag practice. In-excuse ako ni De sa practice kasi may importante daw kaming pupuntahan. Ano na naman kaya ang trip nito? Ang sakit na ng braso ko ah! Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya sa akin, nakakangalay din kaya!
–•–•–
Nandito kami ngayon sa isang makitid pero mahaba na hanging bridge. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito, pero ang ganda ng view, hindi rin siya ganon kalayo from school.
[Convo with De]
Me: Ano bang gagawin natin dito?
De: Wala, ang ganda ng view, gusto ko lang ipakita sayo.
Me: What?! You brought me here because you want me to see the view? I skipped practice, my arm is hurt because you gripped it tightly while pulling me, I almost tripped while I was running just to follow you 'coz you were walking so fast, and now that's your reason?! You just want me to see this freakin' place?!!Hindi siya nakapag-salita. Bad timing kasi siya eh! Kung kailan gustong-gusto ko magpractice, saka niya pa ako ie-excuse!
Me: Aalis na ako, I'm going home! *Walk-out*
De: I took you to this place kasi gusto kong samahan mo ako sa paglabas ko ng lungkot ko.Natigilan ako sa paglalakad nang sabihin niya yun pero hindi ko pa din siya nililingon.
De: Kung gusto mo, maki-practice ka na lang ulit. Sorry if I bothered your practice. Ihahatid na kita papuntang school, then I'll go home.
Hinatid niya ako sa school, ni isang katiting na boses, wala akong narinig. Hindi kami nag-usap. Hindi ako maka-concentrate ngayon sa practice. Nako-konsensya ako sa pagsigaw ko sa kanya kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/102545409-288-k943419.jpg)
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Teen FictionNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...