Day 42 -Part 2-

511 10 2
                                    

Issi's POV

*Knock-knock*

Me: Pasok
Mama: Nak, okay ka lang?
Me: Ma... *Umiyak* Sorry, Ma... Ayaw ko namang umabot ang buhay niyo ni Papa sa ganito eh. Ayaw ko kayong iwan. Sana hindi na lang ako nabuhay para hindi na kayo maghirap ni Papa.
Mama: Sshhh.. Hindi mo kailangang humingi ng tawad, ang mahalaga... naging parte ka ng buhay namin kahit lingid sa amin na umabot ka sa ganito. Kami ang dapat na humingi ng tawad, nagkulang kami sayo eh... Hindi ka namin gaanong nabigyan ng normal na buhay, binigay na namin lahat, pero kulang pa rin. Gusto naming iparamdam sayo na normal ang buhay mo, pero hindi ganon ang nangyari. Hindi namin nabigay sayo yun. Gusto ka naming ipadala sa doctor, pero ayaw mo naman. Anak, yun lang ang tanging paraan para mabuhay ka pa...
Me: Mama, hindi ko na kailangang pumunta sa ospital. Hindi ko kaya, Ma. Hindi ko kayang lumaban. Mas gugustuhin kong mawala ng masaya, kesa sa mawala nang naghirap para piliting mabuhay. Mahal din ang hospital hills, saan tayo kukuha ng pambayad? Mas okay na 'to. Masaya akong nandito kayo ni Papa sa tabi ko. Ma... Pa...
Mama: Bakit anak?
Me: Dito na lang kayo matulog sa kwarto ko.
Papa: Sige anak. Kahit anong gusto mo.
Me: Good night, Ma. Good night, Pa.
Mama: Good night anak. *Humikbi*
Papa: Matulog ka ng mahimbing, 'nak.
Me: *Bumulong* Good bye.

Pumikit na ako at bago pa ako makatulog ay naramdaman kong niyakap ako nina Papa at Mama.

Walang Forever ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon