Dear diary,
Nakapasok na ako ngayon, hindi na ganon kasakit. Pagdating ko, bumungad sa akin ang magulong room. May mga bumati sa akin at tinanong kung okay lang ako tumatango ako bilang tugon. Ang iba tinatanong kung ano ang nangyari, nginingitian ko lang sila, maski kasi ako hindi alam yung nangyari. Actually, nakalimutan ko yung nangyari. Simula nang matapos ang kung ano man ang nangyari, nawalan ako ng malay at nagising na lang sa kwarto nang walang maalala.
De: Ok na ba talaga ang pakiramdam mo? Wala nang masakit?
Me: Yes. I'm sure. I'm fine.
De: Sa mga oras na yun, hindi ka makahinga ng maayos, you can barely breathe air, then you passed out, inuwi ka namin sa inyo and told your Mom that you can't breathe and that you passed out. Tinanong niya kung bakit daw hindi ka makahinga... Pero sinabi namin na naabutan ka na lang namin na parang hinihingal at hindi na makahinga. Binantayan ka namin saglit, tapos umalis na din kami nang hindi ka pa nagigising.
Me: *Malungkot na ngumiti*
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Fiksi RemajaNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...