Ms. A: Paki-play po yung multimedia. Thank you po! ^_^
Dear diary ni Issi,
Hi... Uhmmm... Ahh... Libing na ni Issi ngayon.. Gusto ko lang na mag-share ng memories at nararamdamn ko... Lalo na sa mga nangyari kay Issi noon.
*Flashback*
Madalas akong magpunta sa tindahan nila simula nang makita ko siya. Naakit niya ako ng sobra. Hindi ko nga din alam kung paano eh. Basta nahulg na lang ako sa kanya ng husto. Gumigising ako tuwing umaga na siya ang pinaka-unangn naiisip ko.
–•–•–Noong araw na sinabi kong nahimatay siya... Hindi yun totoo... Ang totoo niyan ay inaway siya... Binato siay ng maraming bola ng iba't ibang sports, pero hindi ko na lang inamin sa kanya dahil ayaw kong magtanim siya ng sama ng loob sa mga gumawa sa kanya nun. Hindi ko din inamin sa mga magulang niya... Dahil ayaw kong mag-alala sila. Lalo na't siya pa ang nasaktan. Kami na ng tropa ang naghiganti para sa kanya.
*End of Flashback*
Nababasa na tong page na to. Sirry Issi.. Hindi ko talaga kasi mapigilang maiyak sa tuwing inaalala kita. Mahal na mahal talaga kita, saka ko lang din nalaman na crush mo ako nung mabasa ko ang mga sinusulat mo dito sa diary mo. Sayang... Hindi ako naka-amin sayo... Ang tagal kong natorpe sayo. Tapos ngayong wala ka na, huli na lahat... Hindi ko naamin sayo. I love you Clemayne Issimiye Espiritu.
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Teen FictionNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...