Day 34 -Sunday-

553 7 0
                                    

Dear diary,

Someone: Hoy! Vavaetha! Wik ap ka na ditey! *Niyugyog ako*
Me: *Bumangon* Good morning, Ate Saph!
Ate Saph: Good morning, sorry ginising kita ah! Kasi itong Ae-Ae na to eh! Ang hirap gisingin! Ikaw nga gumising sa kanya. 9:00 kasi kami aalis eh, sabi niya gisingin ko na daw siya ng 7:00 AM, pero 7:30 na.
Me: Mahirap talaga siya gisingin! Jan ka lang ate. May naisip akong paraan

Lumabas na ako sa kwarto ko at duniretso sa kusina. Naghilamos muna ako saglit at naghanap ng dalawang takip ng kaldero.

Mama: Mayne, anong ginagawa mo jan?
Me: Ay Ma! Good morning po. Naghahanap lang po ako ng dalawang takip ng kaldero.
Mama: Ha?! Anong gagawin mo dun?
Me: Ahh... Ehh... Ang hirap po kasi gisingin ni Ate Ae, gigisingin ko lang po.
Mama: Jusko ang ate mo! Sige na. *Kumuha ng 2 takip ng kaldero* Kunin mo na to, ako na ang magluluto ng almusal.

Dinala ko na yung takip ng kaldero sa kwarto at pina-ingay ito.

Me: ATE AE! GISING NA! UMAGA NA!
Ate Ae: *Bumangon. Nagulat* Ay! Anak ka ng tae ng kabayo!
Me & Ate Saph: *Tawa ng tawa*
Papa: Grabe ka naman Ae! Ganyan ka ba talaga kagalit sa amin ng tita mo para mapagkamalan kaming tae ng kabayo?
Ate Ae: Ayy... Ehh... *Kamout-ulo* Hehe... Sorry po, Tito. Mayne kasi ehh! Nanggugulat ka!

Sumigaw si Mama mula sa kusina, "Ang hirap mo daw kasi gisingin! Kanina ka pa ginigising ni Sapphire!", at bumalik na sa pagluluto.

Ate Ae: Grabe naman... Pwede bamang yugyugin na lang ako eh. Super effort naman kayo sa paggising sa akin.
Ate Saph: Duh?! Kanina pa kita ginigising! Inabot na ako ng siyam-siyam sa pagyugyog sayo! Kaya ginising ko na si Mayne, malay ko bang ganyan ang gagawin niya?
Me: Ehh?? Ayy.. Hehehe *Nsgtago sa ilallim ng kumot*

–•–•–

Naghahanda na sila ate at mamayang konti ay uuwi na din sila. Sayang... Ang saya pa naman nila kasama! Never kang mabobore.

Walang Forever ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon