Dear diary,
Good morning, everyone! 6:00 AM in the morning.
Me: Good morning, Mortee! Gutom ka na? I'll get you food.
Binuksan ko saglit ang phone ko, bigla namang bumungad sa akin ang text ni Philip.
Hindi ka kasi pumasok kahapon eh. 'Pet Care Day' ngayon, dalhin mo yung aso ah? ~Philip
Sige, thank you for informing me.
Welcome. See you later. ~Philip
Hindi na ako nag-reply pa kay Philip. Papaliguan ko pa pala si Mortee, buti na lang at maaga akong nagising. Pero... Wait... Baka magpapaligo kami ng mga alaga namin mamaya? Pero ayaw ko naman siyang mag-amoy mabaho dun. Ang tanong... Mabaho ba siya? Kakapaligo ko lang sa kanya kahapon eh.
Philip, magpapaligo ba ng aso dun mamaya?
Oo ata. Kaya nga hindi ko na papaliguan si Horton eh. ~Philip
Ok. Thank you.
Wag ko na lang din pala paliguan si Mortee 😊–•–•–
15 minutes na lang, magbe-bell na.
–•–•–
Tama si Philip, papaliguan nga namin ang mga alaga namin. Dala ko si Mortee, Yorkshire Terrier. Dala ni Philip si Horton, Siamese. Dala nila De & Lou si Scotty, Siberian Husky. Dala ni Blaime si Haq, Hamster. Dala ni Aaron si Ronnie, Poodle. Yung apat pa naming katropa ay walang mga alaga, kaya tutulong silang magpapaka-waiter sa amin at ibibigay ang mga kakailanganin namin at ng mga alaga namin.
–•–•–
Pinatulog na muna namin lahat ng mga alaga nami sa room habang inaayos ang mga gamit namin para maka-uwi na. Half day lang kami ngayon, hindi naman pwedeng buong maghapon na nandun si Mortee, lalo na't tuta pa lamang siya.
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Roman pour AdolescentsNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...