De's POV
It's already 1 year simula ng mawala sa buhay namin si Issi, at sa lahat ng mga araw na nalulungkot ako dahil sa pagkawala niya. There's this one girl who's always there to comfort me, make me happy, and say that she's happy...
"Hoy! Lalaking iyakin! Bilisan mo diyan at kailangan pa natin kunin yung bulaklak sa flower shop! Baka hinihintay na tayo nila tito at tita sa sementeryo." Speaking of... Si Aeralysse. Siya ang naging karamay ko. "Hoy! Ano ba?! Binge ka ba?!" Sigaw niya sa tenga ko.
"Ano ba? Bakit ka ba naninigaw?" Sigaw ko pabalik dahil sa sobrang inis nang sigawan niya ako sa tenga.
"Ayy, sorry po, sir." Maamong sabi niya habang inaayos-ayos ang buhok ko. "MASAKIT BA SA TENGA?!"
"Ahh- Sh*t!" Sabi ko at tinakpan na ang mga tenga ko bago pa siya sumigaw ulit. Tuwang-tuwa naman siya habang ako'y nakatakip pa rin ang tenga.
"Tara na nga. Bagal mo eh." Natatawang sabi niya bago ako hinila papasok sa kotse ko.
Dumaan muna kami sa flower shop bago dumiretso na sa sementeryo upang bisitahin si Issi. 1st Death Anniv. niya kasi ngayon kaya kami bibisita sa kanya dito kasama sina tito at tita. Wala ang tropa ngayon dahil may mga sari-sarili silang dapat gawin.
Nadatnan namin sila tito at tita na kinakausap ang puntod ni Issi habang umiiyak.
"Tito, tita. Okay lang po 'yan. 'Wag nga kayong umiyak. Sige kayo, ayaw pa man din ni Issi na nakikita kayong umiiyak. Multuhin kayo niyan mamayang gabi. Lagot kayo." Natatawang sabi niya nang makalapit siya kina tito't tita pero ang mga mata niya'y napuno na din ng mga luhang nagbabadyang magsipatakan.
"Tumigil-tigil ka nga Ae." Asar na pagpigil sa kaniya ni Tito. "Namimiss lang naman namin ang pinsan mo eh." Sabi ni tito saka umiyak na muli. Niyakap na sila ni Ae habang ako'y inaayos ang pagkakainan namin habang pinapanood sila.
Napatigil ako sa pag-aayos nang ayain ako ni Ae na sumali sa yakap. Nilapag ko na ang mga hawak kong kutsara't tinidor bago lumapit sa kanila at sumali sa yakap.
Sobrang saya ko nang tanggapin ako nila tito't tita bilang parte ng pamilya nila. Kapalit na rin daw nito ang lahat ng ginawa ko para kay Issi noon nung nabubuhay pa siya. Sayang nga lang at hindi siya naka-abot sa graduation namin. Pero okay lang naman, dahil lahat ng medal namin ng tropa ay isinama namin sa kabaong niya. She deserves the medal... For all the hard works in school, at sa buong buhay na paglaban niya... She deserves it... So much.
"Kain na tayo!" Masiglang sabi ni Ae bago kumalas sa yakap at nagpunas ng mga luha. By the way, may aaminin nga pala ako sa inyo. Secret lang natin 'to ah? Crush ko si Ae... Oh! 'Wag niyong sasabihin sa kaniya. Basahin niyo na lang yung diary ko.
De Diary (WILL BE PUBLISHED... VERY SOON)
A/N:
Annyeonghaseyo! Author imnida!👋😅 Namiss niyo ba si De? 'Dibale... Abangan niyo po ang De Diary very soon. Malalaman niyo po ang love story nila ni Ate Ae.PS: Wala po talagang 's yung sa De. Magegets niyo rin po kung bakit 😂
Missyou guys! Lovelots! Saranghaeyo! 사랑해요! 😘
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Fiksi RemajaNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...