Dear diary,
Wala pa din akong desisiyon kung pupunta ako bukas o hindi. Ayoko ma- miss ang game, ayaw ko din namang isugod sa ospital kung mapapagod ako. Imposible kasi na hindi sisikip ang dibdib ko dun, lalo na't siksikan at mainit sa gym! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Me: De, anong oras ang game niyo bukas?
De: 12:45 ang assembly, tapos 1:00 ang start ng game.
Me: Anong gagawin sa umaga?
De: Hindi ko alam eh. Siguro may training kami. Hindi ko lang sure kung anong gagawin niyo. Punta ka bukas ah! Manood ka! Ikaw ang insperasyon ng buong tropa.
Me: Hindi ko sure eh. Baka hindi ako payagan.
De: Hmm... Susunduin na lang kita, ipapaalam kita kila tito at tita.
Me: Ikaw bahala.In- announce ni ma'am kanina na wala daw kaming pasok bukas kasi sure naman daw na maraming manonood. Depende na din daw kung sinong gustong pumasok para manood.
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Novela JuvenilNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...