Dear Diary,
Merry Christmas po sa inyong lahat! Kamusta Noche Buena? Ano mga handa niyo? Ang saya ngayon kasi dito magpapasko sa bahay ang kapatid ni Papa — family ni Ate Ae — kaya makakapag-bonding kami lahat.
—•—•—
"Have a merry Christmas everyone, see you next year!" Naghiyawan ang mga kaklase ko. Lahat sila'y excited na sa bakasyon.
Sabay-sabay kaming naglalakad ngayon pauwing magttropa at nakapag-plano na rin kami na sa bahay muna.
Meron kasi kaming after party kuno, at may sari-sarili kaming exchange gifts. Pumayag naman din si Papa dahil siya rin naman ang nag-offer.
"Ma, Pa, nandito na po kami." Sigaw ko pagpasok. Nakaayos na ang sala at handa na ang lahat para sa after party namin. Pero nasaan sina Mama?
"Upo na muna kayo. Saglit lang." Dumiretso ako sa kwarto nila Mama at sinilip kung nandun sila. Pero wala. Nasaan kaya sila?
Ang nakakapagtaka pa, may mga nakahandang beddings. Para saan naman 'yon?
"Lumabas sila kasama sila Mama. Gumala, nagpaiwan lang ako dito para hintayin ka." Napalingon naman ako sa likod ko at nakita si Ate Ae na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.
"Ate Ae!" Tili ko at kaagad itong niyakap. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nang harapin ko ito.
"Dito kami magpapasko." Masaya nitong tugon.
"K-Kami?" Nagtataka kong ulit. Tumango naman ito. "Kasama mo sila tita at Aeron?!" Sigaw ko at napatalon-talon sa tuwa.
"Baka naman gusto mong bumalik na sa mga kasama mo?" Saka ko lang naalala na kasama ko pala ang tropa.
"Ay, oo." Hinila ko si Ate Ae papuntang sala at pinakilala si Ate Ae. "Si Ate Ae nga pala, kilala na siya ng iba sa inyo."
"Hi. Welcome and nice to meet you. Ako si Ae, pinsan ni Mayne." Nakangiting pakilala nito. "Do'n na muna ako sa kwarto, Mayne. Tawagin mo nalang ako 'pag kailangan mo ng tulong ha?" Bulong nito sa akin. Hinarap niya ang tropa at nagpaalam na bago umalis.
Saktong pagkasara ni ate ng pinto ng kwarto, nag-ingay ang tropa.
"Grabe, dude, na-starstruck ako sa pinsan mo. Single ba siya?"
"Oh, stop it, Philip." Irap ni Louella sa kaniya.
"Selos ka ba, babes?" Banat naman ni Philip at kinindatan pa si Louella.
"May gusto atang mawalan ng isang mata dito ah?" Pagpaparjnig ni De habang dahan-dahang pinupunasan yung kutsilyo gamit ang tissue.
"Sabi ko nga hindi na, si Issi nalang." Lingon ni Philip sa'kin at ako naman ang kinindatan.
Dinig naman ang padabog na pagbagsak ni De ng kutsilyo sa lamesa kaya naagaw niya ang atensyon ng lahat.
"Sa tingin ko, mas gusto niya atang mamatay nalang?" Natawa naman ako sa inasta nito.
"Hehehe joke lang, Lou. Peace, Issi. Hehe hehehe"
Natawa nalang kami lahat sa inaasta nilang dalawa. Hay nako.
—•—•—
Masaya namang nagtatawanan at nagkukwentuhan ang lahat. Nang mapag-isipan naming mag-exchange gifts na dahil kailangan nang umuwi ng iba sa kanila. Para rin maaga akong matapos magligpit.
Nagsimula na silang magbigay ng mga regalo nila at magbibigay muna ng short speech sa gitna bago ito ibigay.
Medyo nagtataka naman ako dahil patapos na sila lahat pero hindi pa ako natatawag. Sino kaya'ng nakabunot sa'kin?
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Teen FictionNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...