Prologue:

3.7K 80 14
                                    

Una pa lang kitang makita, alam ko nang ikaw na. Ikaw na talaga! Kaso nahihiya akong sabihin sayo na mahal kita. Kaya tumatambay na lang ako sa tindahan niyo para makita ka. Hindi ako naniniwala sa salitang pagmamahal dati, pero pinakita at pinaalam mo sakin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Pagmamahal na di matutularan. Pagmamahal na kung kelan wala ka na, tsaka ko lang naramdaman at naiparamdam. Pagmamahal na ngayon ko pa lang ipapaalam. I'm too late... I'm too late to tell you and make you feel that 'I love you so much'. Oo, masasabi kong crush lang kita noon, noong hindi pa tayo nagiging magkaibigan... Pero sa bawat araw na makikita kita, nararamdaman kong hindi lang paghanga itong nararamdaman ko. Sa bawat kabog ng puso ko, alam kong ipinapaalam nun na mahal na kita. Bakit ba kasi ganun eh?! Hindi mo sinabi sa amin na aalis ka. Bakit ba kailangang iwan mo kami? Bakit kailangan mong umalis agad? At ngayong wala ka na... at alam naming kahit anong gawin namin, hindi ka na namin maibabalik na hindi ka na namin mababawi sa Kanya! Alam naming lumaban ka, sa tatlong taon na paglaban mo, humihina ka nang humihina. Unti-unti kang nauubusan ng lakas para lumaban. Pero sana lumaban ka pa ng kahit konti, hindi yung agad-agad ka na lang susuko. Hindi yung isang araw bigla-bigla ka na lang aalis, mang-iiwan, at mananakit pa ng nararamdaman ng iba. Paano na kami? Ano nang gagawin namin ngayong wala ka na? Sana sinabi mo para makatulong kami kahit konti... Para kami ang poprotekta sayo. Para kami ang magbibigay sayo ng kahit konting lakas. Para hindi ka namin hahayang mapagod. Para nakapag-handa kami kahit konti kahit na sobrang sakit para sa amin. Para mabigyan ka pa ng kahit konting araw. Para makasama ka pa namin kahit saglit lang. Para masabi ko sayo kung gaano kita kamahal. Pero... Last na to eh... Hindi ka na namin pwedeng makita kahit kailan. Yung ngiti mo, kung paano ka tumawa, kung paano ka magpatawa kahit ang korni na, kung paano mo bigyang kulay at buhay ang tropa na to, kung paano mo kami pasayahin... Kung paano ka mag-alala... Kaya nga minahal kita eh... Pero... Ang daya naman eh! Ang daya-daya! Ang daya mo! Ang daya-daya mo! Kasi agad-agad kang nang-iiwan! Bakit ba kasi kailangan pang tuldukan ang buhay mo? Tuldok na biglang susulpot para sabihing hanggang dito na lang. Tuldok na magpapaalam sa'yo na tapos na ang kwento mo... Na kahit anong gawin mo, na kahit anong pilit mo, hinding-hindi na ito mauulit. Tapos na nga eh! TAPOS NA! WALA NA! THE END NA! Kailangan na naming magpaalam sayo... Good bye ka na sa amin... Good bye na rin sa diary mo... Kung saan nakatala ang buhay mo. Last page... Last page na ito ng diary mo... Last page na rin ng buhay mo... Good bye Clemayne Issimiye Espiritu. I love you to heaven and back... ~De

*Rewind*

Mayne's POV

Mama: Anak! Linisin mo nga yung aparador mo, ang kalat oh!
Me: Opo, Ma!

Naglilinis ako ng aparador... Sobrang dumi pala ng aparador ko. Bakit ngayon ko lang naisipan maglinis— actually, Si Mama pala ang naka-isip nun.

–•–•–

Yung mga notebook ko nung elementary buhay pa! Shocks! Ang pangit talaga ng sulat ko noon, ay... Hanggang ngayon pala pangit pa rin ang sulat ko. Ano tong isang notebook? Walang sulat... Ayy! Ito pala yung pinabili ko kay Mama noon, sabi ko gagawin kong diary, pero bakit wala pang sulat? Nawala ko siguro to... Magsusulat nga ako dito, sa buong senior high school ko o kung hanggang saan lang yung pag-aaral ko, or kung hanggang kelan ako buhay... Lalagyan ko ng number ng day, pero baka hindi araw araw ang pagsulat ko dito. Hmmpp! Bahala na!

Walang Forever ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon