[1] First Love Never Dies ♥

1.7K 29 9
                                    

Samantha’s POV

Hi ako nga pala si Ana Marie Samantha Guttierez! My friends call me Sam or Samantha. Hindi ako nagpapatawag ng Ana Marie kasi di ko talaga trip. 16 years old na ako. 4th year high school. Hindi kami masyadong mayaman pero may kaya. Kung maganda ako? Ewan. Okay lang. Hahahaha. Matalino ba ako? Yes! (Ako na proud.) Paalala niyo sa akin na ipakita sa inyo mga medals ko mula pre-school. (Yeah kini-keep namin sila.)

Tama na nga ang satsat, at simulan na natin ang kwento ng buhay ko. Well, alangan naman inyo diba? (Lol. Joking.)

 Once upon a time time in a far way land….

 Wehhh. Di nga?

Kakagising ko lang. Pagtingin ko sa orasan, 7:00 am na. 15 minutes na lang at malelate na ako para sa 1st subject. Hindi pwede yun. Ayoko magkaroon ng Tardy sa card lalo na at graduating. Punta ako agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo, nagbihis agad ako at nag-ayos ng sarili ko. Siyempre, sino ba naman ang papasok sa school ng hindi nagsusuklay, hindi mabango at ang oily ng face. Pagkatapos ko gawin lahat ng mga ritwal ko, tingin sa relo, kuha ng mga gamit at bag, at takbo ako agad sa labas ng bahay papuntang school. Buti nalang malapit lang ung school namen, kering-keri ko kapag tumakbo ako.

Pagdating ko sa school takbo ako ulit papuntang room. Pagdating ko ng room, wala pa yung teacher namin. Pumunta na ako sa upuan ko nang hingal na hingal. Buti nalang nakaabot ako. Mga 3 minutes na lang start na yung first subject.

Siguro iniisip niyo kung nagsabon ba ako kanina o nagshampoo dahil ang bilis kong narating ang school. Oo naman. Grabe kayo. 5 minutes akong naligo tapos 2 minutes ng pag-aayos ng sarili. Tapos mga 4 minutes na takbo.

Oo na. Defensive ako kaya sinabi ko pa kung tig-iilang minuto. Baka akalain niyo di ako naligo eh. (Lol.)

'Hay….' sambit ko.

 'Huy! Bakit hingal na hingal ka dyan?'

 'Tange Ania, tinatanong pa ba yan? Di ba obvious? Malamang nakipagkarera yan sa kabayo!'

 'Adik!' sabi ko sa dalawa.

'Hinde! Nakadrugs lang!' sabay nilang sabi.

 Ay oo nga pala sila nga pala ang mga kaibigan ko. Si Ania (An-yah) Cruz at si Richard Javier. Si Richard pilosopo yan. Si Ania naman ganun din pero may side yan na mabit siya. Hindi lang sila ang malapit kong kaibigan ko madami pa sila. Siguro mamaya susulpot na ang mga yu---.

 'Sam! Hala anong nangyari sayo?! Okay ka lang ba? May kelangan ka ba?'

 Speaking. Ah yan nga pala si Sarah sobrang bait nyan.

 Tapos biglang silang lumapit sakin pinalibutan nila ako. Napatingin sa'min lahat kasi bigla silang nagdrama.

 'Sam... :(' drama ni Ania.

'Sam, promise di na kita pipilosopohin, huwag ka lang mamatay. :(' OA naman na sabi ni Javier.

 Parang mga sira tong mga to oh.

 'Kelangan ko ng tubig.' nakakahingal naman kasi talaga tumakbo mula bahay papuntang school.

'Oh ito oh tubig.' nilahad ni Joe sa akin ang isang bottled mineral water.

'ikaw kasi pinapagod mo yang sarili mo. Tignan mo itsura mo ngayon.' dagdag pa niya.

'Ayyiiieee!'  sabay na sabi nila Ania, Javier at Sarah at pati na rin ang mga classmate namin na kanina pa kami pinapanuod mula nung nagdrama si Ania at Javier.

'Ang daming langgam oh.' sabi ni Ania at tinuro pa ang sahig.

'Oo nga. Aray! Ayan nakagat na ako.' pagsakay naman ni Javier sa trip ni Ania.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon