—•—•—•—•—•—•—•—
Sam's POV
Narinig ko naman na lumabas na si Joe sa walk-in closet niya.
Ako? Nagtago ako sa ilalim ng kumot! Feel ko kasi mansanas na ako!!! >///<
Naramdaman ko naman siya na humiga sa kama. Sa tabi ko.
'Ikaw ha. Naninilip ka.' sabi niya.
'Asa!'
'Halatang naninilip ka eh. Tignan mo, sinisilipan mo ako sa ilalim ng kumot.'
Tinanggal ko agad yung kumot na nakataklob sa'kin pagkasabi niya nun.
'HINDI KAYA! >////<' sabi ko.
'Eh bakit ka namumula?' magkalapit ang mga mukha namin ngayon.
'Hindi kaya!'
' Pero mas okay na yan. Kesa naman katulad kanina na ang putla putla ng mukha mo.'
*tok tok*
'Joe, ready na yung soup na ginawa ko para kay Samantha. Bumaba na kayo at magmeryenda ka na rin.'
'Opo Ma! Bababa na rin po kami!' sabi ni Joe.'
Bigla naman niya nilapit ulit ang noo niya sa noo ko.
'A-anong ginagawa mo?'
Hindi siya sumagot sa tanong ko. At mas lalong nilapit niya ang mukha sa akin. Ngayon naman nose to nose na kami.
Shems! Bakit ba ang gwapo niya?! Sabihin niyo sa'kin! Bakit?! Bakit?!
Napapikit na lang ako. Baka kasi bigla akong mahalikan ng nilalang na to.
Tapos nafeel ko na parang lumayo na siya sa'kin.
Bakit?! Ay! Disappointed?!
'Hahahahaha! Akala mo hahalikan kita noh! Pumikit ka pa eh! Hahahahaha!'
Ay puteek! Pinag tritripan Lang ako nito. -_-
'ASA!'
Tumayo na ako sa kama at lumabas sa kwarto niya.
'Sam!' narinig kong sabi niya mula sa loob ng kwarto.
Nung pababa na ako sa hagdan nila,
'Tampo naman agad eh!'
Hinila niya yung braso ko at napaharap sa kanya. At sabay niyakap niya ako.
>///<
'Hmmmmmm. Ang bango mo.' sabi niya habang inaamoy yung buhok ko.
Habang inaamoy niya yung buhok ko, bumaba naman siya sa mukha ko. At pagdating sa cheeks,
* pinch*
'Aray!'
'Hahahaha! Sorry. Ang cute mo lang kasi talaga.' sabi niya.
Letsugas. Akala ko naman hahalikan Niya ako sa pisngi, yun pala kukurotin Lang pala Niya ako. -_-
Ang sakit nung kurot niya.
・゜・(ノД')・゜・。
Nakahawak ako sa cheeks ko. Ansakit kaya! Huhuhuhuhuhu T^T
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceFirst Love. Yan ang di natin makakalimutan sa buong buhay natin. Ang ating FIRST LOVE. Sabi kasi nila, siya daw yung unang nagpabilis ng tibok ng puso mo. Maraming naniniwala sa FIRST LOVE NEVER DIES. Marami ding hindi.Sabi din ng iba, dahil daw sa...