[31] First Love Never Dies ♥

103 5 0
                                        

Sam's POV

'Oh shoot.'

'Wahhhh. Ang lakas ng ulan Joe!'

'Silong tayo dun sa may shed Sam.'

Patakbo naman kaming pumunta dun sa may shed. Papunta kasi ng mall ni Joe kasi may bibilhin ako sa NBS. Eh biglang umulan.

'Ang lakas ng ulan Joe. Pano tayo niyan? ' tanong ko.

'Dapat nagtaxi nalang tayo eh.' sabi niya.

Kasi nag-FX talaga kami papunta sana sa mall. Eh biglang nasiraan yung FX. Tapos wala na kaming maskyan na iba kasi punuan. Sabi ko kay Joe maglakad nalang kami. May pagkalayo pa yung mall pero pwede namang lakarin.

Halos lahat ng tao nagsi-silungan dito sa shed kaya biglang sumikip. Tapos nasa gitna pa kami ni Joe.

>///<

'Baka mabangga ka nila.' Yinakap niya kasi ako bigla. Medyo basa na rin yung damit namin dahil sa ulan.

Naramdaman ko naman na parang may kinuha siya sa bag ko.

Tapos na ang klase namin ngayon araw kaso nakalimutan ko na may kailangan akong bilhin sa NBS. Kaya umuwi muna kami tapos sasamahan daw niya ako.

'Hawakan mo tong phone mo at wallet mo Sam. Baka manakawan ka.' yun pala yung kinuha niya sa bag ko. Kasi parang nakamini backpack ako. kasi marami-rami yung bibilhin ko sa NBS kaya naisipan kong magbackpack.

Grabe. Siksikan na talaga kami dito sa shed. May nakasiko na nga sakin sa likod at medyo masakit pero di ko pinansin kasi di kami makagalaw dahil sa sobrang sikip.

'Joe, kung takbuhin na kaya natin to?' suhestiyon ko.

'Baka magkasakit tayo Sam.'

'Mukhang matagal pa tong ulan bago tumila eh.'

Bigla naman akong napakapit sa kanya at mas lalong napalapit ng may mga taong sumisiksik pa rin sa shed kahit alam na nilang madaming tao dito.

'Tss. Alam na ngang madami ng tao dito sa shed sumisiksik pa din.' narinig kong inis na bulong niya.

'Psst.' pagsuway ko sa kanya.

Nakakita naman ako ng matanda na nasa may labas ng shed at nababasa na sa ulan. Ayaw kasi siya pasilungin nung mga tao.

'Joe. Tanggalin mo yung pagkakayakap mo sakin. Hawakan mo yung kamay ko. Labas tayo dito sa shed tapos takbuhin na natin ah?' sabi ko.

'Sam, magkakasakit tayo.'

'Di yan.'

Tapos ayun sinubukan naming lumabas dun sa shed. Ang hirap nga eh kasi siksikan talaga. Ng makalabas na kami, bumungad samin ang malamig na tubig na sunod-sunod na pumapatak galing sa langit.

Kinuha ko yung payong ko sa bag ko.

'May payong ka-.' naputol naman yung sinasabi ni Joe.

'Eto po oh. Nababasa po kasi kayo sa ulan eh.' sabi ko sa matanda at binigay sa kanya ang payong.

'Ah eh, salamat iha. Pagpalain ka sana ng Diyos.'  sabi ng matanda.

'Ah sige po. Mauna na po kami.' paalam ko at nginitian naman ni Joe yung matanda.

Tapos ayung tumakbo kami ni Joe. Sobrang lakas kasi talaga ng ulan.

At sa wakas nakarating din kami sa mall. Grabe para talaga kaming basang sisiw ni Joe.

'Kailangan nating magpalit Joe.' naramdaman ko kssi agad yung lamig ng aircon ng mall pagpasok at walang dudang magkakasakit kami kung di kami magpapalit. 

First Love Never DiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon