[3] First Love Never Dies ♥

1K 10 3
                                    

Samantha’s POV

 Hay (yawn) ang sarap ng tulog ko. Di ko alam kung bakit. Siguro kasi narinig ko yung boses ni Joe bago ako matulog. >/////< Hala. Ano tong nararamdaman ko? Dug. Dug. Dug. Dug. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hay ewan!!

Nagring naman bigla yung cellphone ko.

Ha? May tumatawag? Sino naman kaya toh? Anong oras na ba? (tingin sa relo) 6:00 am pa lang.

 Sino to? Tapos sinagot ko.

'Hello?'

'Hello! Good morning Wife--… ay Samantha!'

'Good morning din… Joe?' hindi ko kasi tinignan kung sino yung tumatawag, sinagot ko na lang agad agad.

 'One and only. Kumain ka na ba?'

'Ako? Hindi pa. Bakit?'

'Kain ka na. Payatot ka na nga eh. Pataba ka nga!'

'Ha? Ayoko nga tumaba!' angal ko

'Oo alam ko yun. Kasi baka na naman po hindi ka kumain ng breakfast diyan tulad nung isang araw.'

 'Oo na. Di na mauulit.'

 'Sabay na tayo pumasok sa school. Hintayin mo ako diyan sa bahay niyo.'

'Okay. Sige na maliligo na po ako at kakain.'

'Sige. See you later.'  sabi niya at inend call ko na..

 Ayun nag-ayos na ako ng sarili ko.

Joe’s POV

Yun oh. Dumadamoves na ako. Konti pa at sasabihin ko na sa kanya yung nararamdaman ko. Ngayon magpapabango na lang ako at pupunta na ako sa bahay nila Sam. Kasi kanina pa ako bihis. Pupunta na lang ako sa kanila. Oo nga pala magkapitbahay lang kami ni Sam. Kaya lakad lang ako. May ikekwento nga pala ako sa inyo. Yun yung dahilan kung bakit ako tumawag kay Sam. May napanaginipan kasi ako.

~~ Nandito kami ngayon ni Sam sa playground/park dito sa village namin.Dito kami unang nakita ni Sam. At mga bata pa kami.

'Joe, laro tayo.' yaya sa akin ni Sam.

'Sige pero anong lalaruin natin?' tanong ko.

'Taya-tayaan. Ikaw Taya.!' tinaya niya ako sabay takbo.

'Ang daya mo talaga Sam.' tapos tumakbo na rin ako.

Tapos biglang nadapa si Sam. Umiyak siya. Tumakbo ako agad papunta sa kanya. May sugat sya.

'Shhh. Tahan na. Huwag ka na umiyak.' sabi ko.

'WAAHH!! Ang sakit Joe.!!' pagrereklamo niya habang umiiyak.

 ' Shhh. Sige iboblow ko na lng yan.' tumahan na siya nung pagkablow ko.

'Ayoko ng madapa ulit Joe. Ang sakit eh. Naaalala ko palagi si Papa.'

 'O sige. Akin na yang kamay mo, para hahawakan kita palagi, para di ka na madapa.'

 'Salamat Joe.' binigay niya sa akin yung kamay niya. Tapos hinawakan ko ng mahigpit.

Pero parang naghihiwalay ang kamay namin. May parang pumipilit na paghiwalayin kami. Nagkabitaw kami tapos umiyak siya.

'Joe!!! Huwag mo akong iwan.' parang may kumuha sa kabilang kamay ni Sam at hinhila ito papalayo  sa akin.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon