Joe’s POV
Joe Ramirez is the name. Nandito ako ngayon sa classroom. Wala pa siya. Oo na. Di na ako mapapaligoy-ligoy pa. Yung siya na tinutukoy ko ay si Ana Marie Samantha Guttierez. Oo na may gusto ako sa kanya. Sinabi ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko habang buhay. Siya lang. No more. No less. Sh*t! Ano ba yan napakagay ng ginagawa at pinagsasabi ko dito. Sorry naman inlove eh. Pero hnd alam ni Samantha na mahal ko siya. Ang nakakaalam lang ay ang mga boys sa barkada at ako. Malamang ako, ako nga ung inlove eh. Naman oh. Binabara ko na sarili ko.
Hay..... Ang ganda niya talaga. Ang bait niya. Ang talino niya. Yung ngiti niya nakakatunaw. Lahat na nasa kanya. Except sa surname ko. Hahahahhaha. Pumipick up line ako ah.
'Hoy Joe! Para kang tanga diyan na ngumingiti dyan.' sigaw ni Bryan sa'kin
'Oo nga pare. Sinong iniisip mo dyan? Si Saman---. ' binato ko naman ng crumpled paper si Richard. Langya ang ingay pa eh.
'Manahimik nga kayo dyan! Baka may makarinig sa inyo!' saway ko sa dalawa at binatukan. Napatawa nalang sila sa ginawa ko.
'Speaking Pre.' sabi ni Bryan.
'Huh? Anng ibig mong sa-.' napalingon naman ako kung saan nakatingin yung dalawa.
'Good morning Joe!' bati sa'kin ni Sam.
'Good morning Sam.' balik bati ko sa kanya,
Tpos dumating na sa room yung adviser namen. Si Mrs. Perez. Aayusin na daw ang seating arrangement. Napangiti naman ako. Sana magkatabi kami ni Wife-… este Samantha!
Tinawag ni Ma'am ang pangalan ko at tinuro kung saan ako uupo. Naupo ako kung saan itinuro ni Ma'am. Tapos tatawag na siya para sa katabi ko at eto ung sabi ni Mam:
'Ms. Guttierez.' sabi ni Mrs. Perez.
'Po?' sagot agad ni Sam.
'Dun ka umupo sa tabi ni Mr. Ramirez.' sabi ni Ma'am.
'Sige po.' sabi ni Sam.
Yes! Magkatabi na kami ni Sam! Kelangan ko na gumawa ng move. Tapos sumenyas ako kina Richard at Bryan na ‘thumbs up’. Sila naman todo ngiti.
Eto ung sa Row nmen.
Joe Samantha
Richard Ania
Bryan Sarah
Jared Via
Lanz Jessa
Gagawin ko na ang first move. Uwian ko plano hingin ang number niya para matext at matawagan ko siya. Alam nina Richard at Bryan ang plano ko. At ngayon uwian na, oras na para iuwi ko na siya.
Siguro nagtataka kayo kung bakit wala akong number ni Sam eh close kami. Well, yan kasi si Sam madaling makaexpire ng SIM card. Yes. Nakaka-expire siya ng SIM card. Tamad kasi yan magpaload kaya ayun. Nae-expire SIM niya. Tapo di ko pa nahihingo yung number niya ngayon. Nagpalit daw ulit kasi siya last week.
Habang naglalakad kami, dun ko na sinimulan ang pag-uusap. Kinakabahan ako. Naiinitan nga ako eh.
'Oh Joe, bakit ka pinagpapawisan dyan?' tanong niya.
'Ha? Wala. Ang init kaya!' palusot ko.
'Sure ka? Okay ka lang ba? May sakit ka ba?' nag-aalalang tanong niya.
'Oo sure ako at okay lang ako noh. Di kaya ako nagkakasakit.' proud kong sabi.
'Oo na lang! Hahahaha.' sabi niya.
'Sam, may itatanong ako sayo.' tumigil naman kami sa paglalakad.
'Sige, ano yun?' sabi niya.
'Pwede…….. ko bang…….' lintek! Bakit ba ako kinakabahan? Di ko naman 'to first time magtanong.
'Pwede mo bang ano?' tanong niya.
Kabang-kaba ako. Lintek. Bahala na nga si Batman!
'Pwede ko bang malaman cellphone number mo?' tanong ko.
Nakatitig lang siya sa akin. Blank facial expression.
'Ah.... ano kasi.. diba sabi mo nag-iba ka ng number mo last week. Di ko pa nakukuha eh.' depensa ko.
'Yun lang naman pala eh. Sus!' sabi niya.
Binigay ko naman yung phone ko sa kaniya.
May tinype sya sa phone ko. Tapos nilabas niya din yung phone niya di ko alam kung bakit.
'Oh. ;) ' at binalik niya sa akin ang phone ko. Napangiti nman ako sa nakita ko sa cellphone ko.
Hinatid ko sya sa bahay nila. Tapos umuwi na ako.
Pagkarating sa bahay, tinignan ko ulit phone ko. Nandun na yung name nya sa contacts ko. At ang name niya dun ay ‘Sammy’ kaya napangiti ulit ako. At may picture pa siya. Siguro blinuetooth nya yun kaya niya nilabas yung phone niya kanina.
To: Sammy
PPPSSSSTTTTT. Gising ka pa?
9:00 pm na kasi.
Nagbivrate ung phone ko. Meaning na may nagtext.
From:Sammy
Oo gising pa.
Nireplyan ko sya.
To: Sammy
Ok. Tarawag ako sayo ah.
Di pa sya nagreply, tinawagan ko na sya.
'Hello?' sabi ko.
'Hi!' sabi naman niya sa kabilang linya.
'Anong gingawa mo?' tanong ko.
'Wala nakahiga lang sa kama.'
'Ahhh. Inaantok ka na ba?'
'Hindi pa.' sagot niya pero narinig ko yung paghikab niya.
'Halata nga. Hahahaha. Antok ka na eh. Sige tulog ka na.'
'O sige. Bye. Goodnight. Sweet Dreams.'
'Ikaw rin. Goodnight. Dream of Me.'
'Ha? Ano yun?' tanong niya. Di niya ata narinig yung last ko na sinabi.
'Wala.' sabi ko.
'Okay. Goodnight ulit.'
'Kay.'
Ayun natapos na yung tawag. Kahit maiksi yun, at least narinig ko ang boses niya. Masaya na ako dun.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author’s Note
VOTE, LIKE, COMMENT, BE A FAN, ADD TO RL and SHARE.
XOXO
Samantha :D
![](https://img.wattpad.com/cover/1141137-288-k481571.jpg)
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceFirst Love. Yan ang di natin makakalimutan sa buong buhay natin. Ang ating FIRST LOVE. Sabi kasi nila, siya daw yung unang nagpabilis ng tibok ng puso mo. Maraming naniniwala sa FIRST LOVE NEVER DIES. Marami ding hindi.Sabi din ng iba, dahil daw sa...