[11] First Love Never Dies ♥

686 6 0
                                    

Joe's POV

August 31 ngayon at ngaun magsisimula ang panliligaw ko kay Sam. August 30 kahapon, araw na pinayagan ako ni Sammy na ligawan siya. Ayan! Detalyado lahat. At isa pa ay birthday ko bukas! Ang saya naman ng birthday ko oh. Kulang nalang sagutin na ako ni Sam.

Nandito ako sa bahay naligo na ako at nagbihis. 6:00 pa lang. nagpabango na ako at kinuha na gamit ko. At naglakad na ako papunta kila Sam.

Nagdoorbell ako at pinapasok na ako ni Tita. Sabi ni tita gisingin ko na daw si Sam kasi hindi pa rin daw nagising kahit anong gawin ni tita.

Umakyat na ako sa kwarto ni Sam. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Pagkapasok ko sa room ni Sam, ang bango. Parang pinaghalo halo ung mga cologne dahil sa bango. Tpos nakita ko na si Sam nasa kama tulog pa rin. Hay ang ganda pa rin niya khit tulog siya. Ang himbing ng tulog niya. Ang ganda ng simula ng araw ko!

Binulungan ko siya.

'Sammy ko gising na. Anong oras na oh. Malelate na tayo.'

Kaso di pa rin sia gumising.... Hmmmm pano ko kaya 'to gigisingin. Habang nagiisip ako, di ko namalayan na dumilat na si Sam.

'Good morning!' bati niya.

'Good Morning. Gising na! Malelate na tayo.'

'Ay grabe ka Joe! Gising na nga eh, gigisingin pa. Adik ka!'

'Oo adik ako! Adik sa'yo! '

'>////<. Oo na. Sige na hintayin mo na lang ako sa baba.'

Tapos bumaba na ako sa baba.

Malamang sa baba ako bababa alangan sa taas.

Sam's POV

Hay... Bakit ganon? Nung tinanong ni Joe sakin kung pwede bang mangligaw, bumilis yung tibok ng puso ko nun. Kaya di ako nkatulog agad kagabi.

Kaya di ako agad nagising nung gingising ako ni Joe.

Pasok sa banyo, ligo, labas sa banyo, bihis, ayos dito, ayos doon, at kung ano ano pang ritwal ang ginawa ko.

After 5 minutes ng pagaayos, lumabas na ako sa kwarto at bumaba na. At ang unang bungad sa aking paningin ay ang isang gwapong lalaki na ang pangalan ay Joe.

Bakit ba kasi di ko na sagutin 'tong lalaking 'to. Hay nako.....

Joe's POV

After 15 minutes bumaba na si Sam. As usual ang ganda at bango na naman nia.

'Advanced Happy Birthday Joe!'

'Thanks Sam! Lika na?'

'Sige.' Tapos pumunta na siya sa kusina kung saan nandun si tita.

'Bye Ma. ' tapos nagkiss siya sa pisngi ni tita.

'bye po tita.'

'Sige ingat kayo sa daan.'

Tapos paglabas namin sa gate, kinukuha ko yung bag niya.

'Akin na bag mo.'

'Huh? Wag na!'

'Ano ka ba? Baka nabibigatan ka na dyan.'

'Wag na kasi. Magaan naman 'tong bag ko eh.'

'Ibibigay mo sa akin yang bag mo o bubuhatin kita papuntang school na parang bagong kasal tayo?'

'Joe naman eh. Ang aga aga pa lang ah. Hmphhh. Oh Ito na.'

Tapos binigay niya rin ung bag nia. Itong babaeng to talaga pakipot pa. Nagusap kami habang naglalakad papuntang school.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon