[5] First Love Never Dies ♥

938 9 0
                                    

Joe’s POV

1 week na ang nakalipas. Magkatext kami ni Sammy! Palagi ko yang tinetext. Minsan tinatawagan ko na lang, nakakatamad mag-text eh. Para sure na safe siya palagi.

At ngayon ay Saturday, lunch time na. Ay, teka lang muna ha. Text ko muna si mine! Teka okay ba kung mine? Kasi ang daming pwedeng tawagan, kaso halos sa lahat ng story dito sa wattpad ganun eh. Mine na lang para walang problema. At kung sino may angal diyan, antayan tayo sa labas ng gate ha suntukan tayo. Psh. (.~~)

To: Mine

Sammy. Kain na po ng lunch. Bawal ang diet-diet. At bawal magpalipas ng gutom. Pagkatapos kumain, matulog ka! Para tumangkad ka! Ang liit-liit mo kaya!

Hahahahaha. Nasabi ko na ba sa inyo na masrap asarin 'tong babaeng 'toh? Ang bilis kasi mainis niyan eh.

From: Mine

Kakatapos ko lang po kumain ng lunch. At hindi ako maliit! >3< Hindi ata ako makakatulog kasi may gagawin ako.

Hahahaha! Sabi ko sa inyo inis agad yan eh. Saglit nga. Tawagan ko na lang. Nakakatamad mag-text eh.

'Hello.' ako.

'Oh bakit tumawag ka pa?' tanong niya na may halong inis.

'Ang gandang ‘hi’ ah Sammy!' Ano ba yan. Nakakabadtrip tong babaeng to ah.

'Sorry naman. O sige. HI!' sabi niya na parang napipilitan.

' Tss.'

'Sorry na nga! Bakit ka nga pala tumawag?'

'Nakakatamad mag-text.'

'Yun lang?' sabi niya na parang di makapaniwala.

 Pasalamat tong babaeng 'to mahal ko siya kundi.... nako!

'Oo yun lang!!! Sige. Bye Samantha!'

Tapos binaba ko na agad yung tawag. Kainis kasing babae oh. Buti nga siya eh kinakausap at di ko sinusungitan diyan. Eh yung mga ibang babae diyan na palaging sumusunod sa akin, (siyempre gwapo ako), palagi kong sinusungitan.  Tss.

Bakit ba ang slow nung babaeng yun? Kala niya kaya ko siya tinawagan para sabihin ko lang sa kanya na nakakatamad mag-text. Umiral na naman ang pagkaslow, malamang tinawagan ko siya para itanong kung anong gagawin niya. Tss.

Maya-maya nagring ang phone ko. 

Sam’s POV

Grabe ah! Binabaan ako ni Joe. Bago yun ah. Galit ba yun? Teka hindi naman yun nagagalit sa akin ah. Pero tinawag niya akong Samantha. Kapag tinatawag niya akong ganun eh ibig sabihin nun galit yun. Hay. Ano bang problema nun?

Hindi naman siguro tatawag yun ng sasabihin na nakakatamad lang mag-text di ba? Baka naman itatanong lang kung anong gagawin ko? Baka nga.

Ano ba yan nagi-guilty ako sa pagsusungit ko. Magso-sorry na nga.

Tinatawagan ko siya pero agad namang napuputol. Binababaan niya ako. 

Maya-maya nagvibrate yung phone ko. May nag-text!

From: Ania

 Oy girl! Badminton tayo ah! Sabi mo yan! Sali daw si Sarah. Kita tayo sa court. Bilisan mo ah!

Ay oo nga pala mag-babadminton pa kami! Yan yung gagawin ko. Magbabadminton kami nila Ania.

Hay, idadaan ko na nga lang to sa badminton.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon