[21] {Part 2} First Love Never Dies ♥

545 6 0
                                    

Sam's POV

Nandito pa rin ako sa vacant room. Hawak-hawak ang album ng BigBang. Pinag-iisipan kung tama ba yung gagawin ko mamaya. Aish!!! Ang hirap mag-decide!

Ay teka. May tumatawag.

'Hello?'

'Hi Baby!'

'Mama!'

'Happy Birthday Baby! Sorry kung wala ako kaninang umaga sa bahay. Pumunta kasi ako ng maaga dito sa office eh!'

'Okay lang Mama! Thanks! Pero Mama, bakit hindi po kayo tumawag agad? Medyo nagtampo nga ako sa inyo eh. Kasi di kayo yung unang bumati sa akin ng 'Happy Birthday'.'

'Awww. Wag ka nang magtampo baby. Sabi kasi ni Joe may surprise daw siya sa'yo eh! Ayaw ko naman maging spoiler!'

'Si Mama talaga!'

'Anyways, Happy Birthday baby! Always remember that I'm always here for you and I'm very proud of you. Even though your dad is not here, I'm sure he's also wishing you a Happy Birthday. We love you!'

Awww. Naiyak na lang ako bigla doon. Si Dad. Sana nandito siya, kasama kong mag-celebrate ng birthday ko.

Habang nagsasalita si Mama, umiiyak ako. I know that she loves me very much. And Dad also. Now kapag iniisip ko si Dad, naiiyak pa rin ako. Hindi dahil sa nangungulila ako sa kanya, kundi I'm happy that I accepted the truth. Na wala na siya. Now I remember our happy memories. :)

'Always do the things that will make you happy. If you were to choose something, choose the one that will make you happy. I love you baby.'

'I love you too Mom.'

'I love you most.'

May parang narinig akong may bumulong sa'kin niyan. Or paang bigla ko na lang naisip. Isang tao lang ang palaging nagsasabi sa'kin niyan. Si Dad. :)

'Baby....'

'Bakit po?'

'Sagutin mo na si Joe! Don't worry, boto ako sa kanya. And I'm sure ganun din ang Dad mo.'

Napangiti ako nang marinig ko to. :)

The call ended. Now I know kung ano na talagang desisyon ko. Talking with Mom really helped me out.

* Hey everyone! I just want to greet our SSG Vice President a Happy Happy Birthday! Happy Birthday Samantha! We love you!*

Yan ang narinig ko mula sa speaker. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Abi. (SSG President) Nag-thank you ako sa kanya at sa lahat na rin ng members ng SSG. Boses kasi ni Abi yug narinig ko through the speaker.

Tumayo na ako. Lumabas na ako dun sa vacant room. Naglalakad na ako ngayon sa Hallway. Lahat ng estudyanteng makakasalubong ko, binabati nila ako. Ako naman, nagtha-thank you.

*Bzt!*

May nag-text!

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon