Sam's POV
Well, on the way na kami ngayon sa cafeteria ngayon ni Joe. Stairs na kami.
Feel ko, nagbublush na naman ako. Paano na naman! Holding hands kami ni Joe habang naglalakad. Naka-intertwine pa. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga students.
Malapit na kami sa cafeteria ng may napansin ako.
Wait lang. Parang may kakaiba. Parang wala akong naririnig na ingay. Parang ang tahimik ata sa cafeteria.
Pagdating namin ni Joe. O_O! Walang tao sa cafeteria ni isa! Promise! Kaming dalawa lang ni Joe.
'Joe, nasan lahat ng mga estudyante? Bakit wala sila dito?'
'Nandiyan kaya sila.'
Bigla namang nagsilabasan yung mga estudyante.
Students: Happy Birthday Samantha!
'Thanks guys!' Pagpapasalamat ko sa kanilang lahat
Pagkatapos nun, nagsibalikan na sa mga pwesto nila sa cafeteria yung mga estudyante.
Kami naman ni Joe, naupo na rin kasama ang barkada sa usual spot namin. Yeah. Parang may table na dito na para sa amin lang talaga.
Umalis na ang boys, para bilhan ng pagkain kaming mga girls.
'Girl, pasalamat ka kay Joe! Siya may pakana lahat ng 'to!' sabi ni Ania sakin.
'Siya?'
'Yup! Kaya sagutin mo na siya!; sabi nman ni Sarah
'Teka. Teka. Kelan mo ba sasagutin yang si Joe ah!' tanong ni Ania.
'Basta Ania. Malalaman niyo rin. :)' sabi ko nalang
Maya-maya, nakabalik na yung boys. As usual madami na namang biniling pagkain sa'kin si Joe.
Katabi ko si Joe sa right at si George naman sa left. Tapos katabi naman ni George si Tom-tom. Eh di ako na napapagitnaan ng mga lalaki!
Pagkatapos naming kumain, kwentuhan lang kami.
Sa kalagitnaan ng kwentuhan, biglang umalis si Joe. Hmmm? San kaya pupunta yun?
Tuloy na lang ang kwentuhan namin dito. Tapos minsan, nagpapatawa pa yung iba. Ako naman tawa na naman ng tawa. Sabi ko sa inyo mababaw lang kaligayahan ko eh.
*Well, lahat na ata ng studyante sa school nabati ka na. Ako rin nabati na rin kita. Pero gusto ko lang sabihin ulit na 'Happy Happy Birthday Sammy!' Always remember na nandito lang ako palagi para sa'yo. At higit sa lahat....... I LOVE YOU!*
Teka. Boses ni Joe yun ah!
'Happy Birthday to you!'
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceFirst Love. Yan ang di natin makakalimutan sa buong buhay natin. Ang ating FIRST LOVE. Sabi kasi nila, siya daw yung unang nagpabilis ng tibok ng puso mo. Maraming naniniwala sa FIRST LOVE NEVER DIES. Marami ding hindi.Sabi din ng iba, dahil daw sa...