Chapter 6

49 12 5
                                    

Chapter 6: Seatmate

Megumi Skai's POV

After ng ilang minutes, pumasok si kuya handsome sa classroom at lumabas si Zxander. Bakit naman kaya? Ano ang rason? Umupo si kuya handsome kung saan nakaupo si Zxander kanina. Kung makatili itong mga babae na katabi ni kuya handsome parang nakakita ng artista eh. Buti pa si ate may katabi! Gwapo pa yung katabi niya. Eh ako? Kelan kaya darating ang katabi ko! Ang pagkaayos pala ng upuan namin ay by 3s. Meron naman si ate na katabi din dapat nung nawawala pero may kausap si ate eh, yung nasa kabilang row kausap niya.

"Huy teh. Ayos ka lang?" Tanong ni Freja saakin. Sa pagkalungkot ko, hindi ko napansin na nilapitan pala ako ni Freja.

"Oo naman." Sagot ko kahit hindi totoo.

"Weh? Ibang iba nga yung mood mo kanina sa mood mo ngayon eh." Pagtataka ni Freja.

"Aish, kasi naman lahat kayo may katabi na habang ako wala!" Pagrarason ko. Pero hindi lang ito ang rason eh, nagseselos din kasi ako.

"Ahh, yun lang naman pala eh. Sige tatabihan muna kita hanggang makarating yung next teacher natin." Nakangiting sabi ni Freja.

"Ah sige sige. Kwentuhan mo nga ako." Sabi ko.

"Ah sige." Sagot niya.

Nagkwento si Freja ng tungkol sa Kpop at wala akong naintindihan ni isa sa mga sinabi niya. Hindi naman kasi ako koreaboo eh! Tapos sabi ko nga, anti-koreaboo ako. After 5 minutes, dumating na ang aming next subject teacher.

Inintroduce niya ang sarili niya saamin. Siya daw si Mr. Jimuel Quinto. Siya nga pala ang teacher namin sa Research or sa Thesis. Pagkatapos niya inintroduce ang kaniyang sarili, sumunod naman kami. After ng ilang minutes, may pumasok sa pintuan. Yes, without asking permission or knocking pumasok siya agad. Thuglife yata siya. Matangkad, hindi masyadong gwapo at nakasuot ng eyeglasses ito.

"Good morning everyone. Sorry for being very very late." Pambungad nito saamin. Katakot naman. Ito ba ang aking katabi? Kawawa yata ako dito pero hindi ako nag-iisa pati si ate kasi katabi niya rin siya. Thuglife ang leche pero ayos na rin basta may katabi. Pumunta ito sa kaniyang upuan at hindi ako nagkakamali, siya nga ang katabi ko.

"Haloooo sainyong dalawa." Bati nito saamin.

"Hi po." Sabi nung isa niyang katabi.

"Heyyyyy." Sabi ko naman.

"Kamusta kayo?" Tanong nito saamin. Feeling close si kuya ha, pero I think na way niya lang yun para magkaroon ng friends.

"Ayos lang." Sabay namin na sabi nitong katabi niya.

"Ahhh sige." Sabi nito.

Pagkatapos ng ilang minuto nagsalita ulit itong si kuya. Daldal niya mga beh.

"Soeeeee, anong pangalan mo?" Tanong niya saakin.

"My name is Megumi Skai Frazier. Call me Megs na lang for short." Sagot ko sakanya.

"What a nice name." Sabi niya saakin ng nakangiti.

"How about you, what's your name?" Tanong niya sa isa niyang katabi.

"Raine Jolie Benavides is my name." Sabi ng katabi niya. Ohhhh, her name is Raine Jolie pala. Ang cute ng name niya.

"Eh ikaw kuya, ano name mo?" Sabay namin na tanong ni Raine.

"Daewon Finn Dyquiangco ang name ko. Matangkad, matalino, macho at siyempre gwapo ako." Sagot nito saamin. Nagtinginan kami ni Raine.

"Wala naman kaming sinabi na idescribe mo sarili mo ah. Tinanong lang namin kung ano ang pangalan mo." Sabi ni Raine kay Daewon.

What if there's a chance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon