Chapter 28: Secret
Megumi Skai's POV
Kanina pa ako kinikilig. Simula nung nagperform kami nila Jai. Hindi ko rin alam kung kinikilig na ba ako nung kasama ko si Jai papunta sa bahay nila Eryx. Hahaha.
"Una na ako guys!" Wika ni Freja at umalis na siya. How sad, hindi niya na malalaman ang sasabihin ko. Hahaha joke. Pm ko na lang sakanya.
"Ano na?" Tanong ni Zinnia.
"Ewan ko." Sagot ko.
"Ayy guys, pinapauwi na ako ni Mama. Bye." Wika ni Zinnia.
"Bye." Wika naming lahat at umalis na si Zinnia. Maya maya umalis na din sina Karylle at naiwan na lang kami nina Janelle at Kiana.
"Uy punta muna tayo sa school?" Aya ko sakanila.
"Anong gagawin natin dun?" Tanong ni Kiana.
"Wala lang. Kung ayaw mo dun edi dun tayo sakanila Mama Eachann."
"Tara bili tayo sa store nila." Wika ni Kiana. Pumunta kami sa store nila Mama Eachann.
"Hi po! Andito po pala si Kiana para daw po ligawan si Eachann." Maligayang sabi ko sa tatay ni Eachann na nagbabantay sa store.
"Ayy. Bata pa kayo, isipin niyo muna ang pag-aaral." Wika ng tatay ni Eachann. Busted na agad si Kiana oh. Wahahaha.
"Ahhh, sad naman Kiana. Busted ka agad!" Pang-aasar ko kay Kiana.
"Tss." Singhal niya. Bumili kami ng mabibili sa store nila Mama Eachann kasi nakakahiya naman kung hindi kami bibili doon. Hahaha.
"Asan nga po pala si Eachann?" Tanong ni Janelle sa tatay ni Mama Eachann.
"Nasa bahay o nasa computer shop nanaman." Sagot ng tatay ni Eachann.
"Ahy, sige po. Bye po." Wika ni Janelle.
"Bye po." Wika naming dalawa ni Kiana. Ngumiti ang tatay ni Eachann. Umalis na kami sa store nila at pumunta sa bahay nila Eachann.
"Malcolm!" Sigaw ni Janelle.
"Mama Malcolm! Andito na si Papa Kiana! Labas ka na!" Sigaw ko.
"Malcolm!" Sigaw din ni Kiana. Lumabas ang kapatid ni Mama Eachann, si Zeck.
"Hi Zeck!" Bati ni Kiana kay Zeck pero hindi ito pinansin ni Zeck.
"Zeck! Nasaan yung kuya mo?" Tanong ni Kiana kay Zeck ngunit hindi pa rin siya pinapansin ni Zeck.
"Uy Zeck!" Sigaw ni Kiana. Kumuha si Kiana ng bato at ito'y ibinato kay Zeck.
"Ang bad mo Kiana." Wika ni Janelle.
"Child Abuse ka Kiana!" Wika ko naman.
"Ouch." Wika ni Zeck. Pumasok si Zeck sa kanilang bahay at makalipas ang ilang minuto ay may hawak na itong pellet gun. Bumaba ito sa hagdanan at nagsimula siyang barilin si Kiana. Napatakbo naman si Kiana dito.
BINABASA MO ANG
What if there's a chance?
Teen FictionWhat if there's chance? May pag-asa kaya? Yes, maybe or no? Oo, baka o hindi? Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito nakita. Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito pinansin. Kung may pag-asa man, siguro natakot ako na tanggapin ito.