Chapter 31: Feels
Megumi Skai's POV
Buong classhours akong nakatulala. Inaantok ako. Nakakaantok naman itong teacher namin. Tsk tsk. Ang tagal magtime.
Tinignan ko ang orasan at 15 minutes na lang bago magdismissal.
Natapos na ang oras ng klase na nakakaantok at dismissal na.
"Hoy Gaga." Tawag saakin ni Freja habang papalapit saakin.
"Ano? Nani? Bakit? Waeyo?" Tanong ko sakanya.
"Wala lang. Uwi na tayo. Papanoorin ko pa asawa ko eh." Wika niya.
"Asa ka nanaman. Wala ka ngang asawa eh. Ews. Tama na ang pananaginip Freja. Gumising ka."
Umalis si Freja dito sa pwesto ko at pinuntahan si Kiana. Tsk tsk. Masyado yata siyang nasaktan sa sinabi ko. Hahaha.
Lumapit ako kina Kiana, Jhianne at Freja na nag-uusap. Ang daya naman nila. Di man lang nila ako sinasali sa usapan nila. Nakalimutan na yata nila na may isa pa silang beshfreng e.
"Hoy! Ano ba kayo. Di niyo man lang ako sinasali sa usapan niyo!" Wika ko sakanila.
"Eh." Kiana.
"Ganyan naman kayo e. Kinakalimutan niyo na may isa pa kayong beshfreng. Dibale, sanay naman na ako na makalimutan e." Pagdradrama ko.
"Sorry na." Wika ni Jhianne.
"Si Freja kasi eh." Paninisi ni Kiana kay Freja.
"Ano? Ako nanaman." Wika ni Freja.
"Lul. HAHAHA. Joke lang. Alam ko naman na d niyo kayang mawala ang isang beshfreng na katulad ko e." Pagyayabang ko.
"Wew." Sabi ni Kiana.
"Hayy. Uwi na nga tayo." Aya ko. Tumango naman sila.
"Guys! Invited pala kayong lahat sa birthday ko bukas!" Sigaw ni Asriel sa classroom at naghiyawan ang iba naming kaklase. Pagkatapos niya sabihin yun ay umalis na kaming lahat.
"Mga bebe, pupunta kayo bukas?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Saan?" Tanong ni Freja. Naku, ang slow talaga nitong babae na 'to.
"Ang slow mo naman." Wika ni Kiana kay Freja. Pinalo naman ni Freja si Kiana. Totoo naman sinabi ni Kiana e.
"Eh saan ba kasi? Si Megumi kasi di clear yung sinasabi niya." Pag-iinarte ni Freja. Jusko po.
"Diba Jhianne?" Dagdag niya pa. Napatawa na lang si Jhianne.
"De waw Freja." Wika ko sakanya.
"Sa birthday daw kasi ni Asriel." Wika ni Jhianne. Buti pa si Jhianne hindi slow, si tulad ni Freja. Hahaha.
"Ay ganun." Sabi ni Freja.
"Hindi ako pupunta e." Wika ni Freja.
"Alam naman na namin yun lahat kasi yung papa mo nagtratrabaho sa radio station at katulad niya si 'Hitler' sabi mo at takot ka sa aso ng kapitbahay niyo at di ka mahilig gumala kaya kung ganoon automatic naman na hindi ka pupunta e." Wika ko.
BINABASA MO ANG
What if there's a chance?
Novela JuvenilWhat if there's chance? May pag-asa kaya? Yes, maybe or no? Oo, baka o hindi? Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito nakita. Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito pinansin. Kung may pag-asa man, siguro natakot ako na tanggapin ito.