Chapter 7: Crazy
Megumi Skai's POV
Gising na ako. Tinignan ko ang orasan, 6:00 AM pa lang pala. Akala ko kasi late na ako eh. Or excited siguro ako na makita siya. Excited ako kung anong mangyayari sa araw na ito. Ginawa ko ang aking daily routine. Hindi na ako kumain pa sa bahay dahil wala pang gising at hindi ko alam magluto hahaha. Naisipan ko na lang na kumain na lang sa fastfood chain na malapit sa school namin which is McDo. Umalis ako ng bahay ng 6:45 AM. Kagaya nga ng sinabi ko kumain ako sa McDo. 7:30 AM na pala, it's time to go na to school. Umalis ako sa McDo at ako'y pumunta na sa school.
Malalaman ko agad na malapit na ako sa school dahil napakalaki ng gate at ang nakalagay dito sa taas ng gate ay "Zippy Rah University". Sino pa ba mahihirapan na hanapin ang school na ito sa laki ng nakalagay na pangalan nito sa taas ng gate. Pumasok nako sa gate.
"Good Morning Megs." Bati ni Zachary saakin. Shyt. Kilig ako. Hindi ko napansin na katabi ko na pala siya. Hindi ko din inaasahan na andito siya.
"Good Morning Zachary." Bati ko sakanya na may ngiti.
"HOY!" Bungad ng isang babae. At yun si Freja. Grabe tong si Freja ha, panira ng moment.
"Maka-hoy to. Good Morning Freja." Bati ko sakanya ng medyo may pagkadismaya.
"Good Morning, sino yang kasama mo? Ayieeeee." Pang-aasar niya saakin. Shocks. Nahalata niya kaya? Nahahalata niya kaya?
"Classmate natin, si Zachary. Ba't di mo kilala?" Tanong ko sakanya.
"Kilala ko. Schoolmate ko yan dati eh. Classmate nga lang ba?" Pang-aasar niya ulit saakin.
"Edi hindi, more than a classmate. He's my friend." Sagot ko sakanya. Ganern dapat HAHAHA.
"Weeehhh? Parang more than a friend and a classmate eh." Pangungulit niya saakin. Oh no Megs, wag ka pahalata.
"Edi schoolmate, oha oha!" Sagot ko sakanya.
"Di wow, siguraduhin mo lang ah. Hahahaha namumula ka kasi eh." Pang-asar niya. Bigla kong naalala na may Xayver pala sa buhay ko. Shocks Megs, hindi yan pwede. Dapat loyal ka kay Xayver ha. Megs nakalimutan mo na si Xayver.
"Tss. Mainit lang talaga." Sabi ko.
"Mainit kasi andito si-" Sabi neto.
"Malapit na tayo sa classroom oh." Pagputol ni Zachary kay Freja. Buti naman.
"Tara bilisan na natin ang paglalakad." Pagyaya ko.
Nakarating kami sa classroom. Sabay sabay kaming tatlo na hinarap ang aming mga kaklase na nakatingin saamin. Awkward nito grabe pero buti na lang may kasama ako. Dumiretso kaming tatlo sa aming mga upuan. Sakto namang dumating si Mrs. Sophie.
"Good Morning class." Bati nito saamin na nakangiti like yesterday.
"Good Morning Mrs. Sophie!" Masiglang bati ng buong klase. Ganado ang lahat ha.
Dahil may mga groupings na kami pinagawa niya kami ng mga sa tingin naman ay magiging positive at negative na pangyayari sa school year na ito. Napatingin ako kay Zachary. Inaantok yata ito eh kaya tahimik. Nagmeet-up kaming magkakagrupo.
BINABASA MO ANG
What if there's a chance?
Novela JuvenilWhat if there's chance? May pag-asa kaya? Yes, maybe or no? Oo, baka o hindi? Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito nakita. Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito pinansin. Kung may pag-asa man, siguro natakot ako na tanggapin ito.