Chapter 29: The Necklace
Eachann Malcolm's POV
Paano napunta sakanya ang kwintas na yun? Bakit nasakanya ang kwintas na yun? Paano? Bakit? Paano?
Andito pa rin ako sa computer shop. Last game ko na ito at uuwi na ako sa bahay pagkatapos nito. Magbabantay pa daw kasi ako ng store sabi ni papa.
"Ahh! Pasukin mo Eryx!"
"In 3,2,1! Pasok!"
"Pasok na Eryx!"
"Arghhhgghgghghh!"
"Ano ba yan Eryx! Ang ***o mo! Bakit hindi mo pinasok? Ayan GG tuloy tayo!"
"Pasok kasi kayo ng pasok! Tsk. Hindi pa nga ako nakakatornado eh!" Wika ni Eryx.
"Kahit na hindi kami pasok ng pasok, gg pa rin. Yasuo pa kasi! Yan lang ba alam mong gamitin na champion?"
"Tsk. Edi wow!"
"Arghhhgghghghhhh! Sayang LP!"
Tumayo na ako at lumapit sa nagbabantay sa computer shop.
"Kuya, out na po sa 13."
"50." Binigay ko sa nagbabantay ang bayad.
"Kulang naman ito ng 5 ading?" Tanong ng nagbabantay. Tinignan ko ang binayad ko at kulang nga ito ng 5! Kinapkap ko ang sarili ko at naghanap ng pera sa mga bulsa ko. Patay. Kulang ang nadala kong pera.
"Ah, eh, kuya bigay ko na lang po yung bayad mamaya."
"Sige ading."
Umalis na ako sa computer shop at umuwi muna sa bahay bago ako magbantay ng aming tindahan.
"I'm home!" Sigaw ko pero walang sumagot.
"Ugh, andito na ako!" Sigaw ko muli ngunit wala pa ring sumasagot.
"Uhm, nakauwi na ako?"
"Hays."
Bakit kaya nakabukas yung pintuan ng bahay eh parang wala namang tao? Or baka nanakawan kami? Or baka umalis sila papa at nakalimutan isara ang pintuan. Hays. Punta na nga lang muna ako sa kwarto ko.
Napakadilim ng aking kwarto noong pagkapasok ko pa lamang. Sa pagkakaalam ko ay inayos ko ang mga kurtina bago ako umalis ng bahay upang maliwanag sa aking kwarto. Isa pa sa nagpapataka sa akin ay kung bakit at paanong hindi nakasarado ang pintuan sa aking silid? Dinala ko naman ang susi ng aking silid papunta sa computershop upang hindi makapasok ang aking kapatid na si Zeck.
Iniayos ko ulit ang mga kurtina sa aking kwarto at binuksan ko na din ang ilaw kahit na matagal tagal pa bago sumapit ang kagabihan. Nang aking isasara na ang aking kwarto ay napansin ko na lang na wala ang susi sa aking silid na nakalagay lamang sa aking bulsa. Kinapkap ko ang buong katawan ko ngunit wala talaga ang susi. Baka nahulog ko lang ang susi dito sa aming barangay, pero hindi ko na iyon mahahanap dahil may nakapasok na sa bahay at mayroon din ang nakialam sa kwarto ko. Sino naman kaya iyon? Hays.
Pumunta ako sa kusina namin upang kumain. Bakit kaya may nakahandang pagkain dito pero wala namang tao? Mukhang bagong luto pa itong mga pagkain na ito. Aba! Nakakamangha naman ito! Ako'y gutom na gutom na kaya naisipan ko na kumuha ng pagkain pero baka pagalitan ako nila mama. Ano naman ang magagawa ko sapagkat ako'y gutom na gutom na at ayaw kong mamayat.
Kumuha ako ng bawat pagkain na andito. Ansarap!
*Nagbukas bigla ang pintuan at may mga pumasok*
BINABASA MO ANG
What if there's a chance?
Teen FictionWhat if there's chance? May pag-asa kaya? Yes, maybe or no? Oo, baka o hindi? Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito nakita. Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito pinansin. Kung may pag-asa man, siguro natakot ako na tanggapin ito.