Chapter 14: Zandrah and Friends
Megumi Skai's POV
Nakarating na kami sa classroom namin at kasunod namin na dumating ang aming lecturer. Nagsimula na ang klase. Hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang mga sinabi ni Kiana.
Discussion~
Discussion~
Hanggang sa magrecess time na. Niyaya ako ni Freja na magrecess kaya pumayag ako.
"Hoy! Bakit antagal niyo kanina dumating ha?" Tanong ni Freja.
"Ah, may pinag-usapan pa kasi kami ni Kiana." Sagot ko.
"Ano naman yun?" Tanong niya.
"Yung tungkol sa kasalanan niya saakin." Sagot ko.
"Ano naman yun?" Tanong ni Freja.
"Ugh. Yung picture kasi." Sagot ko.
"Sino nagpakita?? Si Kiana?" Tanong niya ulit.
"Hindi noh." Sagot ko.
"Edi sino?"
"Ewan ko kung sino pero ang hula ko ay si Janelle."
"Bakit?"
"Kasi siya ang huling humiram ng phone ni Kiana tapos napunta daw kay Beverly yung phone ni Kiana kasi daw nahulog sa corridor. Eh si Janelle, siya yung pinakaclose kay Beverly among all of us."
"Then?—"
"Nung binuksan daw ni Kiana ang phone niya ang bumungad daw sakanya yung picture namin ni Zach."
"Oh paano naging si Janelle?"
"Kasi nga siya last na humawak sa phone ni Kiana at close siya kay Beverly. Sabi din ni Kiana na nilabas ni Janelle yung phone ni Kiana at dinala sa ewan."
"At impossible din na mapunta na yun sa corridor ng basta basta."
"Ahh oo nga noh. Baka siya nga."
"Tatanungin ko nga siya mamaya."
"Gaga! Wag. Sa tingin mo sasabihin niya sayo ng basta basta?"
"Hindi."
"Yun naman pala eh! Edi ako na magtatanong. Hahaha."
"Gaga. Masyadong halata kapag ikaw. Si Kiana na lang kaya."
"Oo nga."
Bumili kami ni Freja ng makakain at pabalik na kami sa classroom. At ewan ko kung anong nangyari kay Freja.
"Ouch!" Wika nito habang tinitignan ang sugat sa tuhod niya.
"Anyare sayo ah?" Tanong ko sakanya at tinulungan siya na tumayo.
"Talikod ka." Sagot saakin ni Freja. Tumalikod ako at bumungad saakin ang mukha ni Zandrah.
"Welcome us back." Wika ni Zandrah saamin.
"What the hell? Saan ba kayo nanggaling?" Tanong ko kay Zandrah.
"Sa Tarlac." Sagot niya.
"Huh? Anong ginawa niyo dun?" Tanong ni Freja.
"Nakimeeting si Zandrah kasama ang owner ng university na ito." Sagot ni Blythe.
"Edi siya lang ang dapat namin iwelcome back kahit hindi namin yun gagawin?" Tanong ko.
"Of course, dapat lahat kami. Obvious naman di ba? Tell me Megumi kung kelan mo kami last na nakita. First week of classes diba? Sinama ko sila at pumayag naman ang owner ng university na ito." Wika ni Zandrah.
BINABASA MO ANG
What if there's a chance?
Roman pour AdolescentsWhat if there's chance? May pag-asa kaya? Yes, maybe or no? Oo, baka o hindi? Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito nakita. Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito pinansin. Kung may pag-asa man, siguro natakot ako na tanggapin ito.