Chapter 13: What happened.
Megumi Skai's POV
Kinabukasan, nireplyan ko ang messages ng mga nagmessage sa akin maliban kay Kiana, bago pa ako pumasok sa school. Magiging normal na sana ang araw ko sa school dahil sa mga discussion at quizes kaso may bulungan sa mga chismosa naming schoolmates. Hindi ko pa rin pinapansin si Kiana. Dinedeadma ko lang siya kapag pinapansin niya ako at umiiwas na lang ako sa kaniyang mga tingin saakin. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sakanya.
Lumipas ang isang buwan na puro chismis ang maririnig mo sa bawat sulok sa paaralan namin. Karamihan sa mga chismis na ito ay tungkol sa pagkamatay ni Shana at tungkol saamin ni Zach. Hays. Buti na lang nakaget-over na sila ngayon. Nailibing na din pala si Shana. Hindi na ako umattend sa libing niya dahil baka magkaroon pa ng gulo doon. Isang buwan din pala akong umiwas kay Kiana at kay Zach. Umiwas ako kay Zach para makaiwas sa away, gulo at chismis. At ayun nga naiwasan ko naman ang mga ito. Aaminin ko na unang linggo pa lang na iniiwasan ko siya ay hindi ko na kaya pero tiniis ko ito para sa ikabubuti namin. Yung kay Kiana naman ay tungkol doon pa rin pero nagbalak na ako na pansinin na siya ngayon. Miss ko na kasi yung babaitang iyon. Ah, lumipas din pala ang isang buwan pero hindi ko pa rin nalalaman kung sino nagpakita ng picture na iyon. Arghhh. Sinunod ko naman ang mga sinabi ni Paris pero parang nag-iingat yung nagpakita nun eh. Pinagmasdan ko ng mabuti ang galaw ng mga pinakitaan ko ng picture ngunit wala namang kakaiba sa mga galaw nila. Nahirapan ako. Grr.
Dumating na ako sa classroom namin. Tatlo pa lang kami sa loob ng classroom dahil masyado pang maaga para magklase.
"Good Morning Megs!" Walang sawa na bati ni Kaarle.
"Good Morning Kaarle!" Sabay lapag ng bag sa upuan ko.
"Good Morning Megs!" Bati din ni Coleen saakin.
"Good Morning!" Bati ko na nakangiti. Nilapitan ko si Coleen at tumabi sakanya. Nagcellphone ako habang aking hinihintay ang pinakamamahal kong kaibigan sa loob ng classroom na ito na walang iba kundi si Freja! Hinintay ko rin si Kiana na makarating para makapagsorry sakanya.
Ilang minuto ang nakalipas at dumating na si Jai at Kiana na sabay! Wow. Lagi yata silang magkasabay eh. Nagkakadevelopan kaya silang dalawa? O magkaaway pa rin sila! Hahahahaha. Nilapitan ko si Kiana at binati ito.
"Good Morning Megs." Bati ni Jai saakin ngunit hindi ko siya pinansin.
"Good Morning Kiana!!!!" Bati ko sakanya.
"Good Morning Megumi! Ganado ka yata ngayon ah?" Tanong niya saakin sabay akbay niya saakin.
"Oo eh. Namiss kasi kita kausapin ahahaha." Wika ko.
"Hoy! Bakit di mo ako binati Megumi?!" Singit ni Jai. Grabe siya oh.
"Edi sorry naman ahahahaha. Good Morning Jai! Oh ayan, happy?" Sabay pagngisi ko.
"Wews. Parang pilit lang pero ayos na din." At saka ito umalis sa kinatatayuan niya kanina. Sinundan ko siya ng tingin.
"So ayos na ba tayo?" Tanong ko sakanya.
"Oo, siguro. Ewan?" Nag-alanganin na sagot niya saakin. Weiiiirddd.
"May gusto ka bang sabihin saakin? Aaah? Sa labas na lang tayo mag-usap at hintayin natin si Freja dun." Aya ko.
"A-ah, oo. Tara na sa labas." At lumabas na kami sa classroom.
Habang naglalakad kami papunta kung saan man kami dalhin ng mga paa namin, nakasalubong namin si Laxus na papunta sa classroom.
BINABASA MO ANG
What if there's a chance?
Novela JuvenilWhat if there's chance? May pag-asa kaya? Yes, maybe or no? Oo, baka o hindi? Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito nakita. Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito pinansin. Kung may pag-asa man, siguro natakot ako na tanggapin ito.