Chapter 24: Still
Zachary Zander's POV
Almost 2 months and a half na hindi kami nagpapansinan ni Megumi. Ang choosy naman nung babae na yun. Kung buhay lang sana si Shana. Hays. Nandito nga pala kami sa Kuhpilla Mall. Kasama ko si Daewon, Draven at Ryu ngayon.
"Kamusta mga lovelife niyo? Hehe." Tanong ni Daewon.
"Ayos lang naman kami ni Freja pero medyo nagkatampuhan lang these days." Sagot ni Ryu.
"Single pa rin. LoL is life kasi ako." Sagot ni Draven.
"Ewan ko. Wala pa rin yata." Sagot ko pero sa totoo lang binalikan ko si Fauna. Sa sobrang sakit ng ginawa ni Megumi, ewan ko at bigla kong binalikan si Fauna. Si Draven lang nakakaalam na may relasyon kami ni Fauna.
Flashback~
After lahat ng efforts ko para maangkin si Megumi, walang nangyari. Itinaboy lang ako ni Megumi. Masakit yun. Days have past na nakakulong lang ako sa aking kwarto at walang gana na kumain. Sa tuwing papasok naman ako sa university, walang gana akong nakikipag-usap sa mga kaibigan. Umiiwas din ako sa mga kaibigan ni Megumi. One day, kinausap ako ni Fauna. "Kung ako na lang sana." sabi niya. Naawa ako sakanya that time. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko pero ang nasabi ko na lang ay "Ikaw lang yata talaga ang mahal ko."."Aww naman. Buti pa kami ni Zaina. Hehehe." Wika ni Daewon. Buti pa siya masaya sa lovelife niya.
"Buti ka pa." Wika ko.
"Tara nga muna sa Geezas Arcade." Aya ni Ryu. Tumango kami.
Naglaro laro muna kami ng kung ano ano dun sa arcade hanggang sa magsawa kami.
"Uy sayaw kaya tayo? Yung may pinakamababang score manlilibre." Aya ni Draven.
"Sige ba!" Sagot ni Daewon.
"Game ako." Sagot ko.
"Go lang." Sagot ni Ryu.
Megumi Skai's POV
Andito kami sa Kuhpilla Mall. Nag-aya kasi sina Karylle dito. Kasama ko si Karylle, Raine, Kiana, Zinnia at Janelle.Bagong bukas pa lang itong mall. Kalaban ito ng Chakaps Mall.
"Tara sa Ajinamata Bookstore." Aya ni Karylle. Mahilig si Karylle sa mga libro.
"Sige." Pagsang-ayon naming lahat. Pumuna kami sa Ajinamata Bookstore. Bumili si Karylle ng mga libro.
"Ano na guys?" Tanong ni Raine.
"Tara sa muna sa Geezas Arcade?" Aya ko.
"Sige tara." Sagot nila. Pumunta kami sa Geezas Arcade.
"Uy sayaw tayo!" Aya ko.
"Bakit?" Tanong ni Kiana.
"Wala lang. Nakakaenjoy lang kasi. Hahaha." Sagot ko.
"Libre mo?" Tanong ni Zinnia.
"Hahaha. Oo na lang."
"Hahaha sige tara!" Wika nila.
"Ay shi—" Wika ko ng makita sila Ryu.
"Oh bakit?" Tanong ni Karylle.
"Andito sila oh." Wika ni Kiana habang nakatingin sakanila Ryu.
"Tara puntahan natin sila!" Aya ni Janelle.
"Ayoko nga." Sagot ko.
"Bakit?" Tanong ni Janelle at hinila ako papunta sakanila. Fck.
"Hi Guys! Andito din pala kayo?" Pambungad ni Janelle.
"Halata." Sagot ni Daewon. Napalingon sina Ryu.
"Oh andito ka rin pala Megumi!" Wika ni Ryu.
"Halata." Panggagaya ko kay Daewon.
"Gaya gaya ka Megumi." Wika ni Daewon.
"Pasalamat ka nga, may nag-iidolize sayo." Sagot ko sa sinabi ni Daewon.
"Ohhhhhh!" Sabay sabay na sabi nina Ryu. Napatingin ako kay Zachary. Wala sa sarili akong umalis sa lugar na iyon. Kahit na ilang beses akong tinatawag ng aking mga kaibigan ay hindi ko sila pinakinggan. Hindi ko alam kung saan ang pupunta ngayon. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.
Narating ko ang fountain na nasa malapit sa Kuhpilla Mall. Naupo ako doon at bumuhos na lang ang aking mga luha. Why? Bakit? Bakit ako nagkakaganito?
Nagpatuloy ang pagbuhos ng aking mga luha. May humaplos sa aking likod at tumabi saakin.
"Ilabas mo lang yan." Si Karylle.
"Karylle, hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya bigla bigla na lang akong nasasaktan."
"Mahal mo pa ba?" Tanong niya.
"Parang. Ewan. Baka. Hindi ko alam. Hindi ko sure." Sagot ko.
"Oo at hindi lang ang sagot diyan."
"Oo yata." Napayuko ako.
"Kaya naman pala."
"Alam mo may sasabihin ako sayo." Wika ni Karylle.
"Ano yun?" Tanong ko kay Karylle at napatingin sakanya.
"Sabi nga nila 'Letting go is hard but sometimes holding on is harder.'. Tama nga naman sila." Wika ni Karylle.
"Alam mo you should let go na."
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi nasasaktan ka lang lalo."
"Alam mo Megumi, may ibang mahal na si Zach."
"Si- Sino?"
"Hindi ko pa ito sure ah pero nakikita ko na lang these days na magkasama si Zach at Fauna sa pag-uwi. Sa tingin ko sila na ulit."
"Ouch." Umalis na ako doon at iniwan si Karylle. Sumakay na ako ng taxi pauwi. Pagkarating ko sa bahay ay nagkulong ako sa aking kwarto at umiyak ulit. Binuksan ko ang aking messenger at agad na chinat si Draven.
Me: Uy, may itatanong ako sayo.
Draven: Ano?
Me: Tell me nga. Si Fauna at Zach na ba ulit?
Me: Nagbalikan na ba ulit sila?
Draven: Bakit mo natanong?
Me: Basta sabihin mo lang please.
Draven: Ayoko sanang sabihin sayo pero baka magalit ka eh. Oo sila na ulit.
Me: Fck.
BINABASA MO ANG
What if there's a chance?
Teen FictionWhat if there's chance? May pag-asa kaya? Yes, maybe or no? Oo, baka o hindi? Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito nakita. Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito pinansin. Kung may pag-asa man, siguro natakot ako na tanggapin ito.