Chapter 11: Pansinan
Kiana Lae's POV
Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung paano nahulog sa Corridor ang aking phone eh pinahiram ko lang naman yun, di ko nga lang maalala kung kanino ko yun pinahiram kasi andaming humiram nung phone ko eh.
"Kiana una na kami!" Sigaw ni Megs.
"Alam naman namin na may iba ka nanamang kasama eh. Tsk tsk. Crush first before friends, ano? O kaya naman may iba ka ng kaibigan bukod saamin. Psh. D ko na lang ikwekwento sayo! Ayaw mo makisabay eh! Tss. Bye." Dagdag ni Megs. Grabe magtampo si Megs.
"Bye Kiana!" Sigaw ni Freja.
"Ingat Kiana!" Sigaw ni Cass.
"Kiana, tara na!" Yaya saakin ni Janicka.
"Mauna ka na Janicka. Makisabay ka na lang kila Freja." Sabi ko dito.
"Ganyan ka naman eh, tapos kapag si—" Naputol ang sabi ni Janicka nang nagsidatingan ang iba pa naming nawawalang kaklase kanina.
"Una na ako! Makikisabay na lang ako kina Megumi! Bye Kiana!" Nagmamadaling sabi ni Janicka saka umalis. Weird.
"Kianaaaaaaa! Samahan moko." Pambungad ni Janelle saakin, kakarating niya lang tapos lalabas ulit siya.
"Sige na pleaseeee." Pangungulit nito.
"Oo na. Bilisan natin ha." Sagot ko. Pumunta kami sa CR dahil natatakot daw siya kapag walang kasama. Natapos na siya magCR kaya bumalik na kami sa classroom para kunin ang bag namin at umuwi na.
"San ka pala nagpunta kanina?" Tanong ko sakanya.
"Ughm, sa isang section." Sagot niya.
"Anong section?" Tanong ko ulit.
"Section E." Sagot niya na parang something's not right.
"Ginawa mo dun?" Tanong ko.
"Wala. Nakipag-usap lang kina Nica." Sagot nito. Hmm.
Nakarating na kami sa classroom at kinuha na yung bag. Umalis na kami sa classroom at nakasalubong namin si Kuya Zach.
"Kuya Zach, okay ka lang?" Tanong ko sakanya pero hindi siya sumagot. Ouch lang ha Kuya. Snob, famous ka na pala. Iintindihin na lang kita for a while Kuya. Well, Zach is my Kuya not by blood but sa school lang. Nagpatuloy kami ng paglalakad ni Janelle.
"Diba pinahiraman kita ng phone kanina?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Oo." Sagot niya.
"Ayy. Pinahiram mo din ba ang phone ko sa iba pa nating kaklase?" Tanong ko.
"Ahh, oo." Sagot niya.
"Kanino?" Tanong ko ulit.
"Kay Katarzyna?" Sagot niya na medyo patanong.
"Ah okay. May alam ka ba kung bakit napunta kay Beverly yung phone ko dahil nakita niya daw ito sa corridor na nakakalat?" Tanong ko sakanya.
"Uhm, ewan ko. Tanong mo si Katarzyna, baka alam niya." Sagot niya.
"Ahh sige. Tanong ko siya bukas ng umaga." Sabi ko.
"Ah sige, una na ako. Tatawid na ako dito." Pagpapaalam ni Janelle.
"Huh? Bakit diyan ka tatawid? Hindi ba parehas lang tayo ng tawiran?" Tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
What if there's a chance?
Genç KurguWhat if there's chance? May pag-asa kaya? Yes, maybe or no? Oo, baka o hindi? Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito nakita. Kung may pag-asa man, siguro hindi ko ito pinansin. Kung may pag-asa man, siguro natakot ako na tanggapin ito.