PEYTI:
“This or this one?” tanong ni France habang hawak sa dalawang kamay niya ang dalawang napakagandang damit na kung bagay lang sa akin ay matagal ko nang in-arbor.
“Kahit ano. Bagay naman sayo lahat,” sabi ko na lang sabay harap ulit sa TV at naglipat-lipat ng channel. Hindi ko alam kung talagang walang matinong palabas sa TV o talagang hobby ko na ang maglipat ng channel. Kanina pa ko pindot ng pindot, wala pa rin akong mapili.
“Ano bang hinahanap mo kasi?”
“Porn.”
“Ano?”
“Wala! Sige lang mag-model ka lang dyan,” sabi ko sabay subo ng popcorn.
Ang boring ng buhay pag walang pasok, Kapag may pasok naman, super stressful. Hay buhay! Wala bang kakaibang thrill dyan?
Buti pa si France, may thrill ang buhay. Ikaw ba namang ipakasal sa lalaki para lang sa pagsasanib ng kumpanya, kundi ka ma-thrill. At sino ang papakasalan niya? Si Lance na lampa. Naku! Thrill!
Magkabarkada sina daddy at ang papa ni Lance noong College. Naging magka-sosyo sila daddy at ang parents ni Lance noong bagu-bago pa ang kumpanya. Nag-solo ang papa niya at gumawa ng sariling kumpanya ng alak. No hard feelings naman so gustong makipag-merge ng papa ni Lance kay daddy. Hindi ko nga alam kung paano magme-merge ang kumpanya ng alak at kumpanya ng canned foods. Pwede na nga sigurong pulutan ang corned beef sa brandy.
Ayun, napagkasunduan nilang yung magiging mga anak nila ay ipagpapakasal nila. Hindi ko alam kung kailangan talaga yun sa pagme-merge ng kumpanya o trip lang nila daddy. Iniisip ko nga na baka nakapanood lang sila ng Koreanovela o Chinese movie at ginaya nila yung arranged marriage na yun.
“Mafrey! Dalian mong mag-dress rehearsal at naiinip ako dito. Wala ako kausap! Kinakausap ko na naman sarili ko!”
Mafrey ang tawag ko sa kapatid kong dyosa. Hindi ako sanay tawagin siyang ate kasi parang magkaedad lang naman kami. In short, isip bata siya. Haha.
Codename ko sa kanya yung Mafrey. Ang sa akin ay Peyti, kaso nakasanayan na rin ng ibang tawagin ako nun kasi bagay naman daw. Ayoko rin naman ng Faith. Yuck!
Ayaw nilang tawagin si France ng Mafrey. It’s either Ces o France lang. Angelic name daw kasi. Whatever!
Inaamin ko namang maganda talaga si France. Lamang siya sakin ng isang paligo. Bale kailangan ko pang maligo sa milk bath na kasing-lawak ng Pacific Ocean bago ko siya mapantayan. Medyo close naman na no?
“Look,” sabi ni France pag labas ng CR. Nagpa-ikot-ikot pa siya with matching pa-cute kahit hindi naman na kailangan.
“Ayos,” sabi ko sabay tutok ulit sa TV at kain ng popcorn.
“Yun lang?”
“Eh maganda ka naman na no!” sabi ko nang hindi lumilingon.
“I just want to be presentable for our guests.”
“Presentable? Para kay Lance? Halowt! Dapat nga siya pa ang maging presentable.”
Lumapit siya sa kin at umupo sa kama ko. “He’s different now. He’s cute, dashing, professional, matipuno,” sabi niya habang umiikot ang mata sa kaka-day dream.
“Uuuuyyy… hindi alam ang English ng matipuno.” Nagtawanan kami.
“I think I’m ready to get married,” sabi niya habang hawak ang kamay ko.
“Go!” sabi ko nang walang energy pero may exclamation point.
“Aren’t you excited for me?”
Lumingon ako at sinalubong ng malungkot niyang mukha. “Excited. Pero alam mo namang wala kong trip dyan sa kasal kasal na yan. At lalong walang trip sa arranged marriage. Hindi na uso yan. Panahon pa ni Nora at Vilma yan.”
“Arranged marriage ba sina Nora at Vilma?”
“Hindi ah! Pareho silang babae no.”
Naramdaman ko na lang ang unan na humampas sa ulo ko.
Yeah! Pillow fight!
Thrill!
BINABASA MO ANG
Not-so Arranged Marriage
Teen FictionLance: She's the perfect woman anyone would die to marry, but... . . . . France: I love him... I will marry him because I love him... right? . . . . . Peyti: Ewan ko sa inyo! English-english... Ginugutom niyo ko!