NSAM 7

1K 18 2
                                    

LANCE:

“Swimming? Saan naman?” tanong ko kina mommy nang sabihin nilang nagbabalak silang magswimming sa susunod na linggo.

“Sa Batangas. May na-meet kasi akong nagmamay-ari ng isa sa mga resorts dun at bibigyan niya daw tayo ng discount,” sabi ni mommy na super excited. “This is going to be our last trip before my unico iho becomes a husband.” Maluha-luha pa.

I comforted her. “Ma, I will still be your baby boy.”

“O sige, imbitahin din natin ang mga Altamirano,” sabi ni daddy matapos ibaba ang dyaryong kanina pa niya ka-eye-to-eye.

“Hindi daw pwede si Agnes. May aasikasuhin ata.”

Hmm… I wonder if it is also because of what happened last Friday. I’ve never seen Peyti as angry as that before. Sunud-sunod ang pagsasalita niya na parang sasabog siya pag hindi niya nasabi yun. Marunong din palang magalit ng todo si Petit. Nakita ko na siyang maasar, mapikon, matawa, mangulit, pero ang magalit? Hay. Mas natakot pa ako sa kanya kesa kay tita Agnes.

I texted Ces about the plan and she replied immediately:

“Ok. Me and dad join.”

“Peyti?”

“I donow. cant tok 2 her.”

“wer is she?”

“donow. she left erly”

Nag-alala naman ako sa kanya. Nagpaalam agad ako kina mom at dad at nagdrive na papunta sa subdivision ng mga Altamirano. Dumaan ako sa tapat ng mga kabahayan na dinaanan namin noong naglalako siya ng banana cake. Lumagpas na ako ng school ay wala pa ring sign ni Peyti. Napadaan ako sa isang simbahan at may napansin akong babaeng kahawig niya. Bumaba ako at sinundan ang babae sa loob. Lumakad ito papunta sa altar at may inabot sa sacristan. Walang misa noon pero andun ang pari, kausap ang babae. May binaba siyang basket na kamukha ng kay Peyti.

I’m pretty sure it’s her.

Palapit na ako sa altar nang mapansin ako ng pari. Lumingon din ang babae, si Peyti nga. Nagpaalam yata siya saka ako sinalubong.

Walang nagsasalita nang magkaharap na kami. Nasa ilalim ang tingin niya.

Bumuntong hininga siya at tumingin uli sa kin. “Galit ka ba sa dukha?” Umiling ako at ngumiti siya. “Tara, ipapakilala kita sa kanila.”

 :::::::::::::::::::::

“Pumupunta ako dito tuwing badtrip sa bahay. Dito ko rin binibigay yung kalahati ng kita ko every month. Nakakahiya namang mag-alay ka ng P250. Ewan ko ah. Basta ako nahihiya.”

Nasa upuan kami sa gilid ng simbahan. It’s open so the air can enter freely. Naka-pony tail si Peyti kaya hindi tinatangay ang buhok niya. Naninibago ako sa nakikita ko sa kanya. Sanay akong makita siyang makulit, madaldal, mataray, pero hindi seryoso gaya ngayon.

Nagkamot muna siya ng ulo bago nagsalita ulit. “Bakit ka nga pala andito?”

Matagal bago ako sumagot. “Hinahanap ka.”

“Paano mo ako nahanap?”

Mas madaling sagutin yung tanong niyang yun kaysa sa ineexpect kong tanong: “Bakit mo ako hinahanap?” Hindi ko rin naman alam ang isasagot. Para akong nag-aalala para sa batang kapatid na hindi ko malaman. Hindi ko alam. Cause I’m the only child.

“Nakita kita dito habang nasa kotse ako. Na-kita ko yung basket mo.”

Tumangu-tango siya na parang kumbinsido. Tapos tahimik ulit. Ayoko na siyang makitang nagseseryoso kasi nakakabigat lang din ng feeling kaya iniba ko ang topic.

“Nagyayaya sina mommy na magswimming sa Batangas, wanna?” Tinitingnan ko ang reaksyon niya sa mga sinasabi ko. Walang ngiti, walang simangot, walang emosyon.

“Kasama ba si France?”

“Yup.”

“Si dad?”

“Si tita lang ang hindi sasama.”

“Then I’m in.” Wala pa ring emosyon. Unti-unti siyang lumingon sa kin. “Ohah! English yun.” Ngumiti ako, pati rin siya.

“You know what? France is my fiancé, but I seem to know you more than I’ve known her.”

Kinuskos muna niya ang ilong bago sumagot. “E di pag-usapan natin siya.”

Nag-isip pa muna siya ng sasabihin.

“Alam mo bang maganda siya?”

“Obviously.”

“Alam mo bang mabait siya?”

“Given! Mabait, mahinhin, tahimik, simple…”

“Alam mo ba kung ilan ang napatay niya sa Japan?”

Tumingin ako sa kanya. “Huh?”

“Joke lang. Ipis nga hindi kayang pumatay nun eh. Tsunami ang pumatay sa mga tao ng Japan.”

Hmm…

Peyti kulit is back.

 :::::::::::::::::::::

“Anong oras ba ang sinabi mo? Baka kanina pa naghihintay ang mga yun.”

“Ma, relax. Hindi naman aalis ang beach.”

“Baka nga kanina pa naghihintay sina Franco eh nakakahiya.”

“Matulog ka muna ma, may four hours pa tayong byahe.”

On the way na kami papuntang Batangas. Medyo malayo yung lugar na sinasabi ni mommy kaya naghi-hysterical na siya na baka nauna na nga daw sina tito. After four hours ay narating din namin ang resort and just like I expected, wala pa ang mga Altamirano. Hindi na kami nagsabay-sabay dahil may sari-sarili naman daw kotse.

Nakapag-ayos na kami ng gamit sa loob ay wala pa rin sila. After lunch na daw kami magswimming but I think hinihintay lang talaga nila ang mga kasama namin. After an hour ay dumating na rin ang kotse nila.

“Kumapadre!”

Nagkamustahan muna sina daddy at tito na parang ilang dekada silang hindi nagkita kahit araw-araw na silang magkasama dahil sa negosyo.

And there she is, my beautiful fiancé wearing a floral summer dress and white…

“Naiwan ko yung twalya ko!” sigaw ni Peyti.

Si Peyti ba yun?

Her long straight hair was swaying freely with the sea breeze. Her eyes were covered by sunglasses and that sleeve-less blouse and sexy shorts shows her perfect figure.

Whatda?

“Lance, can you help us?” said my beautiful, one and only fiancé.

“Yeah? Huh. Yup.”

“Come on, let’s eat!”

Not-so Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon