LANCE:
“Good morning!” salubong sa akin ni Ces pagkagising ko. May nakahanda nang almusal. Tapa at sinangag na kanin. May milk pa.
“Good morning. Wow, sa akin to?” Bumangon na ako at dumiretso sa CR para mag-toothbrush at maghilamos.
“Tikman mo,” sabi niya. Nakatayo lang siya sa gilid ng mesa habang naghihintay na parang batang naghihintay ng papuri.
“Sinangag at tapa? Sana nilagyan mo na ng itlog para tapsilog. Hehe.” Hindi siya natawa. Ganun ba ako ka-corny magjoke?
Tinuro niya ng tinidor ang tapa. “Ito oh, scrambled egg. Medyo na overcook lang.”
Medyo? Mas mukha pa ngang tapa yung itlog eh.
Pero hindi ko na sinabi yun nang makita kong malungkot siya.
“I-it’s okay. Masarap naman oh.” Sumubo ako. Okay naman ang sinangag at tapa. Hindi ko na tinikman yung itlog. I also drink the milk to show my appreciation. “Hmm. Masarap din naman ang timpla mo sa gatas.”
“Gatas? That’s coffee with creamer. They said I should not put too much coffee because it’s bad…” mangiyak-ngiyak na paliwanag ni France. Tumayo ako at niyakap ko siya.
“It’s okay.” Hinaplos ko ang likod niya dahil mukhang talagang depressed siya. Pinakikiramdaman ko rin ang sarili ko. Nasa mga bisig ko ang babaeng makakasama ko habang buhay pero parang walang…
Bumukas ang pinto. “Mafrey!”
Si Peyti. Lumaki ang mga mata nito ng makita kami.
“Whoah! Oops, sorry.” At sumara ulit ang pinto.
Ang bilis ng mga pangyayari.
Kumalas ako at lumabas para hanapin si Peyti na yun pala’y nakaabang lang sa gilid ng pinto. “Oh, tapos na kayo?” ngingisi-ngising tanong nito.
Anggulo! May droga ba yung creamer na yun? Nahilo ako.
“Lance?” Lumabas na si Ces.
“Uy, Mafrey. Sabi nina daddy kung tapos na daw kayo,” papalit-palit sa amin ang tingin ni Peyti, “magbo-boat ride daw tayo. Maraming corals sa gitna!”
“Sige, sunod na kami. Nasan na ba sila?”
“Nasa kubo, inuubos ang sinangag ko! Haha! Specialty!”
Umalis na rin siya pagkatapos.
Kaya pala masarap yung sinangag.
“I’m sorry. Hindi talaga ako magaling magluto eh. Nakisali lang ako kay Peyti.” Yumuko ito at sinabunutan ang sarili. “One egg! Just one fried egg!”
Pinigilan ko siya at pinakalma. After that, we went straight to the beach.
“Antagal niyo naman. Ano pa bang ginawa niyo?” tanong ni mommy. Tiningnan ko si Peyti na naghihimay ng kung anumang gulay yun. Nakatingin siya. Biglang naglayo ng tingin. Tapos tumingin sa hinihimay at ngumiti. Hindi yung ngiti na masaya o may kalokohan. Basta ngiti.
Kung anu-ano na ang napapansin ko. Hay.
:::::::::::
“Corals oh. Parang bulaklak sa ilalim ng dagat. Ganda!”
Pinapanood ko lang si Peyti na aliw na aliw sa mga corals.
“Pwede ba akong sumisid?”
Isang matigas na NO ang sagot ng papa at ate niya. Sumimangot naman siya. Isip bata pa rin, hindi mo aakalaing magde-debut na.

BINABASA MO ANG
Not-so Arranged Marriage
Teen FictionLance: She's the perfect woman anyone would die to marry, but... . . . . France: I love him... I will marry him because I love him... right? . . . . . Peyti: Ewan ko sa inyo! English-english... Ginugutom niyo ko!