NSAM 5

1.4K 20 1
                                    

LANCE:

Twelve o clock exact.

She should be here right now. Oh girls! Siguro nagpa-salon pa yun or something. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga lovers dito at mga babaeng walang kasama.

Hindi pa man nagtatagal ay nakita ko na ang sasakyan nilang Porsche na pumarada sa may tapat. Lumabas ang napakagandang binibining naka-dilaw na blouse at maong na pantalon. Naka-ipit ang kulot niyang buhok na tinatangay ng hangin ng maduming dagat.

Kung bakit ba naman dito pa sa Baywalk niya naisip makipagkita eh. Sana sa Shangrila Mall na lang o sa Greenbelt.

But wait, there’s more.

May nakita akong paa ng babae na pababa din sa kotse. Naka-fitted blue shirt, baggy pants at rubber shoes. Nakatali ang buhok nito na tinatangay din ang ilang hibla ng hangin.

Si Peyti.

...na naman.

Papalapit na sila kaya sinalubong ko na rin. Nagtatanong ang tingin ko kay Ces pero si kulit ang sumagot.

“Hindi po ako manggugulo. Napag-utusan lang.”

Noon ko lang napansin ang dala nitong parang picnic basket.

“Magpipicnic tayo?” tanong ko kay Ces pero sa basket ako nakatingin.

Nilayo ni Peyti ang basket. “Bahala kayong dalawa dyan. Basta ako maglalako nito.”

“Ano yan? Patingin.” Binuksan ko. Brownies, ang bango.

“Bili ka,” sabi ni Peyti sa mahinahon at hindi sarcastic na tono pero hindi pa rin ngumingiti.

Hmm. Businesswoman.

“Hindi ka makakabenta kung suplada ka. Ngumiti ka naman.”

“Sa customer lang ako ngumingiti.”

Dumukot ako ng isangdaan at inabot sa kanya. Automatic naman siyang ngumiti na abot tenga saka inabot ang isang supot ng brownies.

“Bakit anim lang to?”

“Mahal na ang harina. Sige salamat po, maglalako pa ako.” Nakalayo na siya kaagad at natanaw na lang namin na nag-aalok sa mga lovers na tumititig sa akin kanina.

“Peyti! Come back here!” sigaw ni Ces na parang hindi naman sigaw.

“Sundan na lang natin siya.” Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa mga kamay namin, tapos sa mukha ko, tapos ngumiti. At sabay na kaming naglakad at sinundan ang batang makulit.

 ____________________________________________________________

“300”

“200”

“280”

“210”

“250. Last.”

Tinatanaw lang namin ni Ces si Peyti habang nakikipagtawaran sa matabang lalaki. Kami ay nakaupo na sa gilid ng bay walk.

“Lagi siyang nagbebenta ng ganyan?” Lumingon ako kay Ces na nakatanaw na sa malayo.

“Hah? Ah. Oo. HRM kasi ang kinukuha niya kaya mahilig magluto at magbenta. Kahit sa school nila nagbebenta yan ng butterscotch, puto, banana cake.” Yumuko siya na parang may iniisip.

“Are you okay?”

“Yeah!” anlakas ng sabi niya na may halong gulat.

Natahimik ulit kami. Ang hirap naman umisip ng topic. Ayoko naman na mag-open ng tungkol sa…

Not-so Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon