PEYTI:
Asar talaga! Bakit ba kasi kailangang kasama pa ko sa eating/ meeting/ wedding session na ito? Sayang sa oras, edi sana eh nakakagawa na ko ng pwedeng mapagkakitaan. Hindi naman ako kikita dito eh. *Kamot ulo.
“Mary Faith Alt…”
“Opo inay!” sabi ko nang walang energy sabay punas ng kamay.
“Lalo ka atang gumaganda Peyti,” sabi ni tito Miguel. Tinadyakan ko sa ilalim ang katapat kong kumag na lalaki nang makita kong nasamid ito at ngingisi-ngisi. Hindi pa to tapos sakin. Pagkamalan ba namang si Flora ako. Alam ko namang hindi mala-dyosa ang ganda ko pero halowt! Si Flora. Utang na loob!
“Ganyan ho talaga ang epekto ng glutataion,” sabi ko na lang.
“Wow, gumagamit ka rin nun?” sabi ng mala-Christmas ball ang outfit na si tita Josie.
“Oho, masarap ho kasi, hinahalo ko sa kape yun pag wala nang coffee mate.” Nagtawanan naman sila. Why don’t you people take me seriously, oh my!
Ohah. English!
Nagkwentuhan pa ang mga gurang habang ang future couple ay nagtititigan na parang kami nung TV kanina. Boring.
Hanggang sa matuon ang pag-uusap sa walang kalabanlabang topic: ang mga pangalan namin.
“Bagay nga sayo yung Ma. France Elaine. Bakit ayaw mong Elaine ang itawag sayo?”
“Yun po ang tawag sa akin ng ex-boyfriends ko, so…”
Na-gets naman agad nila. At in fairness, ex-boyfriendS! With a bold S.
“Mary Faith…”
Naknang! Nanahimik na po ako utang na loob.
“Maka-diyos masyado, hindi bagay,” bulong ng kumag.
Matalim na tingin lang ang sinagot ko at iniba niya naman ang usapan pero ganun pa rin.
“Puro F ang initials niyo no: Franco, Faith,…” Tumingin muna at nagpa-cute kay France. “…France.”
“OH yeah!” singit ko. “Kaya pala napagkamalan mong ako si Flora, baka nga siya ang ina namin. Hahahaha.” Walang tumawa. Pahiya.
Nakita kong ngumisi si kumag. Tadyak uli pailalim.
And now they take me seriously.
Hmm.
English yun.
:::::::::
“San ka punta?” tanong ko kay France na bihis na bihis at parang sinapak sa sobrang pula ng pisngi.
“May date ako,” sabi naman niya sabay nakiusyoso sa ginagawa kong brownies. “Sama ka?”
Abot-anit ang taas ng kilay ko. “Tanda tanda mo na no, hindi mo na kailangan ng shaperown.”
“Sabi ni daddy yun eh,” palusot nya sabay kuha at subo ng brownies.
Alam ko namang botong boto si ama kay kumag kaya kahit walang bantay eh pwedeng pwede silang magdate. Ewan ko ba naman kay France kung bakit kailangan pa akong isama.
“Hala! Bakit ka kumain? Nakakaitim yan!” Tumaas lang kilay niya. “Joke.”
“Please… Alam mo namang hindi kumpleto ang date namin kung wala…”
“Kung walang asungot na gaya ko?” nakangiting dugtong ko.
“Sort of.”
Nag-isip muna ko. Kung ilalako ko ito sa subdivision namin at makita ako ng ina kong mitikulosa, pagagalitan ako at pauuwiin dahil para daw yun sa mga dukha. Kung lalayo ako, kung dun ako sa may restaurant maglalako kung pwede man, makakabenta naman ako siguro.
“San ba kayo?”
“Sa may bay walk ata.” Muntik na kong mapamura kung hindi lang bawal. Nabagsak ko tuloy yung kung anumang hawak ko.
“Bay walk!? Naknang petchay naman, ang cheap!” Nagmana ako sa ina kong maartey! “Yun lang ba ang kaya nyang itapat sa ganda mo?”
Natatawang pinulot ni France ang kutsilyo. Kutsilyo pala yun. Buti hindi ako nakasaksak.
Napaisip ako ulit. Kung sa bay walk, maraming tao, maraming tiyan, maraming pera. Henyo! Naisip ko yun!
Hindi ko na siya pinagpaliwanag.
“Hep! Bay walk is it? Bay walk we go!” Nagtataka namang sinundan na lang niya ako ng tingin paakyat para magbihis. Huminto ako sa gitna ng hagdan. “Oy! Bago ka umalis, tanggalin mo yang violet mong eyebug at kamatis mo sa pisngi.” Tuluyan na akong umakyat at iniwan siyang natatawa.
BINABASA MO ANG
Not-so Arranged Marriage
Teen FictionLance: She's the perfect woman anyone would die to marry, but... . . . . France: I love him... I will marry him because I love him... right? . . . . . Peyti: Ewan ko sa inyo! English-english... Ginugutom niyo ko!