NSAM 15

1.1K 20 2
                                        

LANCE:

“Andyan na ang bride!”

Makabasag tenga ang tili ng katulong nina tita Agnes nang makita ang kotse nina France. Bago magstart ang paglalakad eh pinuntahan ko si Peyti na busy sa pagkakamot ng tagiliran. Pilit kong pinag-isipan ang lahat ng sinabi niya sa simbahan.

“O, bakit?” tanong niya nang makalapit ako.

“What if… just what if, ikaw yung dagat?”

“Ha?”

“Pogi, pumunta ka na sa pwesto mo at lalakad ka na,” sabi ng isang ninang.

Dali dali naman akong bumalik at iniwan si Peyti na nakanganga na hindi na-gets ang sinabi ko.

Kung siya nga ang dagat ko, sana kaya din akong pakawalan ni France. Kanina ko pa hinihiling na may darating na katulong na mag-aabot ng sulat galing kay France na hindi siya makakasipot sa kasal dahil hindi niya kayang magpakasal sa akin. But I bet she can’t do it too since we both love our parents very much and we both agreed to this from the very start.

Bakit kasi hindi si Peyti ang panganay na anak?

Nakatayo na kami ni Polo, my bestman, habang hinihintay ang bride. But my eyes are on the bride’s maid. There was no expression in her face.

“Hi,” bulong ng aking bride.

“Hey.” Tipid lang ang ngiti na binigay ko saka inalalayan siya papuntang altar.

Please. Bagyo, earthquake, tsunami. Nasan kayo ngayong kailangan ko kayo?

“Lance Jerome Jacinto, do you take Maria Frances Elaine Altamirano as your lawful wedded wife?”

I… Ay naku!

“I…”

“I can’t!” sigaw ni France. Nagulat talaga ako kahit kanina ko pa pinagdadasal ito. Napaupo siya at umiyak. Inalo ko siya nang bigla siyang tumayo at humarap sa mga bisitang nagtataka. “I’m sorry mom, dad, tito, tita. Lance, it’s not you, it’s me! I… I tried to change and be…” Hagulgol na naman.

“What’s the meaning of this Frances?” tanong ni tito Franco habang umiiyak si tita Agnes sa hindi malamang kadahilanan.

“I-I’m in love with someone else.”

What! Akala ko ako lang ang taksil dito.

 “Huh!” Animo’y choir na sabay sabay nagreact ang mga tao.

Lumingon siya sa kin at bumulong, “We’re both free.”

 “W-who?” tanong ni Peyti na nahihiya pa at saglit na tumingin sa kin.

“He’s my ex-boyfriend, a sailor. Classmate ko siya nung high school.”

Kaya pala laging sa bay walk kami nagde-date. Akala ko mahilig lang siya sa dagat. Mandaragat pala ang hilig niya.

“Classmate sa high school? All-girl school ang school mo ah!” sabi ni tito.

Biglang bumukas ang pinto ng simbahan ang isang lalaki, o babae. Basta lalaki ang itsura niya pero halatang babae ito dahil… ewan. Malakas lang talaga ang radar ko sa mga girls.

“Itigil ang kasal!”

“Hala! Late ka na, tonge!” sabi ni Peyti.

“Elaine! Andito na ako, I’m sorry I left you. Please don’t do this.”

Agad namang tumakbo si Ces at niyakap ang bagong dating.

“A lesbian!?” sigaw na tanong ni tita Agnes bago tuluyang nahimatay.

 =============

Binuksan ng guard ang malaking gate ng malaking bahay nina tito Franco. Nagmamadali namang pumasok ang mga kinikilig pang katulong para siguro ipaalam na nakarating na ako.

Habang naglalakad papasok, may napansin akong babaeng nakatalikod malapit sa isang vase, inaayos niya ata.

“Flora!” Bigla siyang lumingon at ngingiti-ngiting bumati ng “Hi ser.”

 “Nasa sofa sila,” sabi ni tito na naka-apron pa. Lumingon naman ako sa likod at nakita nga na nakaupo sa sofa si Ces, sitting firmly like a princess with her prince beside her, at yung isang babae na may suklay sa buhok na halatang bagong ligo lang, nakapatong ang isang paa sa sofa at ang isa ay nakalagay sa tuhod habang kinukutkot ang kalyo sa talampakan.

“Mary Faith Altamirano! Umayos ka nga at may mga bisita tayo,” sigaw ng sosyal na ina nito. Hindi naman siya pinansin ng pasaway na bata. Lumapit ako sa mga prinsesa.

“Hi,” sabi ni Ces na nakangiti kahit nakasimangot sa kin ang katabi niyang tomboy.

“Hey.”

“Haaay…” Napalingon ako sa batang bumuntong hininga. Lumapit ako sabay abot ng bulaklak. Tumingala siya pero walang ekspresyon ang mukha.

“Ano yan, trip?”

“I’m here to court you.”

“Oh, iho, you don’t have to do that. Magme-merge na ang companies natin kahit hindi natuloy ang kasal so hindi mo na kailangang magpakasal sa kahit sinong anak ko,” mahabang paliwanag ni tita Agnes na nakangiti. Naiinis man ay pinilit kong ngumiti kay tita. Naiinis akong isiping business lang ang alam nilang dahilan para ligawan ko si Peyti. She’s a lot more valueable than that.

“No, I’m really courting her for real. She’s… uhm,” nakangiti ulit akong tumingin kay Peyti na busy na ulit sa pagkukutkot ng paa.

“Oh, it’s fine iho! Hindi naman namin sinabing mga panganay na anak namin ang ikakasal kundi mga anak lang namin. Anak ko naman si Peyti so go!” sigaw ni tito Franco sa kusina.

“Sinabi nang hindi na kailangan niyan,” sabi ni Peyti sabay tayo at walkout.

“Ano bang problema mo?” Sinundan ko siya hanggang hagdan.

Lumingon siya. “Ayokong magpakasal sa kabayong loser na papakasalan ang lahat for the sake of business!”

“Eh nililigawan ka lang naman ah, hindi naman ako nagpo-propose!”

“Kahit na!”

“Ano ba?” I’m so frustrated! Ang kulit. “Ang hirap namang ligawan nito! Simple lang naman eh. Mahal kita, mahal mo ko… di ba?” humina ang boses ko nang sabihin ang huli.

Naglayo siya ng tingin na parang nag-iisip. Tapos tumingin ulit sa kin. Hindi na siya nakakatakot.

“Manliligaw ka?” Tumango ako na parang bata. Nakita kong pinipigil niya ang ngiti. “Flowers?” Inabot ko. “Chocolates?” Inabot ko rin. “Teddy bear?” Inabot ko rin. “Balloon?”

“Aakyat lang ako ng ligaw, hindi pupunta sa children’s party.”

Tumawa siya. At last, nakita ko na ulit siyang ngumiti. “Gusto mo ng sandwich?”

Umiling ako. “Banana cake… na lasang mani.”

Ngumiti siya at dumiretso ng kusina.

Not-so Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon