PEYTI:
Biglang pumasok si ina sa kusina habang nilalagay ko ang mga butterscotch sa basket para ilako mamaya. Ilang linggo din kaming hindi nagpansinan matapos yung dramatic portion namin nung party. Hindi ko siya pinansin kahit malapit na siya sa akin.
“San ka maglalako?”
“Dyan lang, sa mga dukha,” sagot ko nang hindi lumilingon.
Kumuha siya ng isang butterscotch, tinanggal ang plastic at saka kumagat. Mamaya ko na lang siya sisingilin.
“Magaling ka na nga gumawa ng mga ganito.”
Hindi ako sumagot. Pinag-aralan ko po yan ng dalawang taon, natural marunong na ako.
“Pangarap ko dati na matutong makapagluto para hindi nakakahiya sa magiging asawa ko.”
Nice, nagkukwento siya ng past life niya at tagalog pa ha.
“Hindi ako natuto, kasi lahat ng boy friend ko eh magaling magluto.”
“At ang napangasawa mo, may factory ng corned beef. Oo nga naman, ready to eat.” Wala akong energy sa pagsasalita at busi-busihan sa paghahanda ng paninda.
“Nagkagusto din ako sa isang cook, sa karinderya lang naman. Mahirap lang daw sila kaya medyo ilag ako.”
“Wow, pati ba sina lola allergic sa dukha?” Wala pa ring energy.
“Hindi. Wala na sila nang makilala ko yun eh. Kasal na kami ni daddy mo.”
Dun lang ako napalingon sa kanya. Ngumiti lang siya ng malungkot at nagpatuloy. “Mga two years old ka noon. Binalak ko na ngang makipagtanan sa kanya kaso… Hindi siya sumipot nung gabing yun.”
Oh.
So… kaya siya galit sa dukha. Feeling niya lahat ng dukha manloloko?
“Nabalitaan ko na lang na may kinakasama na siyang babae. Pareho silang low-class.”
Oh.
Ang babaw. Pero kailangan ko pa rin siyang icomfort dahil hindi ko naman alam ang feeling ng ganun.
“Sorry kung nadamay kita,” sabi niya sabay yakap.
Hindi ako sanay sa drama. Mas trip ko nga ang action, pero this time, nakakalungkot. Sakit na naman ng mata ko. Wala namang sibuyas ang butterscotch. Hay.
Kumalas siya at may inabot sa aking maliit na envelope. Pagbukas ko, may pink na card na may sulat na You’re invited to my 18th Birthday. Bakit naman pink?
“Look who’s your escort,” excited na sabi ni mommy.
Gino Pineda.
Wow. Great.
Parang hindi ako masyadong naexcite.
Niyakap ko siya ulit at nag-thank you.
“Peyti!” tawag ni France habang pababa sa hagdan. “Wow, okay na kayo?”
Obvious ba?
“Bakit? Whatchap, ketsup?” tanong ko nang makaalis na si ina. May gimik daw siya.
“Samahan mo ako, may date kami ni Lance.”
Utang na loob naman. Tigilan ako. “Malaki ka na. Baka sa honeymoon niyo hanapin mo pa ko ah.”
“Last na to swear.” Nakatayo lang siya sa pinto at nagpapaawa effect. Naka-dress ulit na black and white at sandals. Ang ganda ganda talaga niya. Bakit kaya hindi ako nagmana. Kanino kaya siya nagmana? Sabagay, may itsura naman si ina.

BINABASA MO ANG
Not-so Arranged Marriage
Novela JuvenilLance: She's the perfect woman anyone would die to marry, but... . . . . France: I love him... I will marry him because I love him... right? . . . . . Peyti: Ewan ko sa inyo! English-english... Ginugutom niyo ko!