NSAM 11

889 19 2
                                        

LANCE:

Drive na naman. Bakit kasi ang layo ng bay walk? Wala pa rin akong tulog at ang sakit ng ulo ko. Nagugutom pa rin ako kahit dumaan na ako sa convenient store kanina. Isang banana bread at brownies lang ang nabili ko, hindi nakakabusog. Nakakamiss yung banana cake na lasang mani. Hay.

Buwiset na traffic to.

Beep. Beep.

Sumandal na lang ako habang inaaliw ang sarili sa panonood ng mga mukha ng mga badtrip ding tao sa ibang sasakyan. May isang lalaki na ginawa ng hobby ang pagbubusina. Si ateng nakasakay sa taxi eh takut na takot habang nakikipag-usap sa cellphone. Maiiyak pa, late na siguro. Well ako rin po, male-late na sa date ko.

Red light. Yes!

Andar ulit.

Hindi ko alam kung anong meron sa bay walk at favorite meeting place ng fiancé ko. May something siguro sa maduming dagat at malakas ng hangin dun. Anyway, binilisan ko na lang ang pagdrive. Kinakabahan ako na hindi ko malaman. Medyo excited din as if first date namin ito.

But I know this is not because of my date with my gorgeous fiancé.

Mali ito. Kinakabahan pa rin ako.

It’s been a week since our outing and I haven’t seen them since then. Nagtext lang ako kahapon kay France at nagyaya makipag-date kaya heto na nga.

Malapit na ako. Natanaw kong paparada na rin ang kotse nina France sa tapat na lagi naming pinagkikitaan. Siguro tinraffic din sila kaya halos nagkasabay kami. Bumaba na ako para salubungin sila.

Nakita kong bumaba na sa kotse si Ces. Tumingin ako sa likuran niya. Naghihintay ng batang makulit na bababa.

Antagal.

“May pupuntahan daw siya kaya hindi niya ako masamahan.” Nakalapit na pala si Ces at mukhang nabasa niya ang iniisip ko.

“Great! Walang asungot,” nakangiting sabi ko saka hinawakan ang kamay niya. Kami lang dalawa at solong solo ko siya. This is more like it… I guess.

Thirty minutes na kaming nakatitig sa maduming dagat. Nakatunganga ako at siya naman nagtetext.

“Sino yan?” tanong ko na kinagulat niya.

“Ha? W-wala. I’m sorry.” Tinago na niya ang phone saka tumitig na rin sa dagat.

Awkward.

Bakit kaya ako naiilang eh hindi naman ito ang first date namin? Ano bang ginagawa namin noon?

Well, usually nagpupunta kami sa dulo at nilalakad hanggang sa kabilang dulo ng bay walk. Actually, sinusundan lang namin si Peyti sa paglalako. Tapos magkukwento siya ng kung anu-ano. Tapos sasabayan ko na rin. Tapos mag-aasaran kami. Tapos…

“Nakakamiss ang maingay no?”

Nasira ang pagde-day dream ko nang magsalita ang katabi ko.

“Hmm. E di mag-ingay tayo. Hehe.” Ngumiti lang siya. “Anong favorite color mo?”

“Carnation pink. It’s cute kasi,” sabi niya nang nakangiti. “How about you?”

Ano ba?

“Brown.” Natawa ako sa sinabi ko, pero hindi ang katabi ko. Tumingin ako sa kanya at mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. “Kulay kasi ng chocolate at brownies.” Ngumiti lang siya at tumingin ulit sa dagat.

“Kakulay din nitong dagat.” Ngumisi siya. Oo nga, kakulay.

Tahimik ulit. Hay buhay!

“Nakailan ka ng boyfriend?”

Kumunot ang noo niya pero hindi ako tiningnan. “Is it really important for you to know?”

“N-no…”

But heck! Wala na kong ibang ma-topic. Ayokong pag-usapan ang business.

“Ahhh!” Napalingon kami sa sumigaw. Isang cute na batang babae ang nakasanggi sa isang magtataho. Isang baso ng taho lang naman ang nabuhos.

“I missed her already,” sabi ng katabi ko.

“Me too.” Nilingon ko siya. “Are you ready to get married?”

Nawala ang ngiti niya pero bumalik ulit nang sumagot siya. “Of course.”

Ako hindi. Buti hindi na niya ako tinanong.

Hay… I can’t get her out of my mind. The beach, the bonfire, the kiss. Bakit naman kasi? She’s my fiance’s sister. Kung si Peyti sana ang panganay na anak nina tito edi walang problema.

Naglalakad na kami pabalik sa mga kotse namin ni France.

“Ces.” Bago pa siya makalingon ay hinawakan ko na ang braso niya, then ang pisngi niya, at hinalikan siya. Mabilis lang, mga 2 seconds.

Nagulat na lang ako ng biglang may sumalubong na palad sa pisngi ko. Nang mahimasmasan ako sa sampal niya ay nakita ko na lang si Ces na malayo na ang natakbo.

Not-so Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon