LANCE:
Binuksan ng guard ang malaking gate ng malaking bahay nina tito Franco. Nagmamadali namang pumasok ang mga kinikilig pang katulong para siguro ipaalam na nakarating na kami. Pagkaparada ni daddy kay Bunny, name ng Inova namin, nauna na akong bumaba. Paglabas ni daddy ay pinagbuksan niya ng pintuan si mommy na animo’y may ballroom dancing competition sa dami ng palamuti sa katawan at naka-dress na blue with shining shimmering sequins. Buti na lang nga at hindi masyadong makapal ang make-up nito kundi ay napagkamalan na itong over-aged na GRO na napulot ni daddy.
Hindi pa man kami nakakapunta sa harap ng bahay ay sinalubong na kami nina tita Agnes kasunod si tito. Nagbeso-beso muna sila at nagkamustahan at saka na kami pumasok. May mga konting nabago sa tahanan nila. Wala na si Morocco, ang tuta ni Peyti na sumasalubong sa akin ng pagdamba at pagdila-dila. Iba na rin ang ayos ng entrance hall, mas marami nang naglalakihang vase kesa dati. Siguro dahil wala ng mga makukulit na bata na pwedeng makasanggi at makabasag sa mga to.
Habang naglalakad papasok, may napansin akong babaeng nakatalikod malapit sa isang vase, inaayos niya ata. Nilapitan ko siya at iniwan ang mga matatandang parang naglalakad sa buwan at nagkukuwentuhan pa rin. Mahaba ang buhok ng babae at medyo balingkinitan, sa tingin ko ay si Peyti ito. Gugulatin ko sana siya.
“PETIT!!!” Bigla siyang humarap at ako ang nagulat. Ampangit!
Nagtawanan ang mga matatandang sa wakas ay natigil din sa pagkukwentuhan nang magulat ako.
“Si Flora yan, one of our maids,” nakangising sabi ni tita Agnes.
“Nasa sofa ata sila,” sabi ni tito. Lumingon naman ako sa likod at nakita nga sa sofa si Ces, sitting firmly like a princess awaiting for her prince, at yung isang babae na nakatali ang magulong buhok, nakapatong ang isang paa sa sofa at ang isa ay nakalagay sa tuhod habang kinukutkot ang kalyo sa talampakan.
“Mary Faith Altamirano! Umayos ka nga at may mga bisita tayo,” sigaw ng sosyal na ina nito. Hindi naman siya pinansin ng pasaway na bata kaya’t dumiretso na sila sa may dining room, yata. Naririnig kong nagkukuwentuhan pa rin sila tungkol sa business, whatsoever. Lumapit ako sa nakangiting prinsesa.
“Hi,” sabi niya ng nakangiti.
“Hey.”
“Haaay…” Napalingon ako sa batang bumuntong hininga.
“Hey Petit, pangit ka pa rin.” Hindi yun tanong pero hindi rin totoo.
Pailalim nya kong tinitigan, sabay ngumiti ng maasim at plastic. “Hi sir, ako po yung katolong nina Mam Agnis. Ano pong gusto nyo?” sabi niya sa Bisaya accent at maliit na boses, na biglang lumaki, “Acid juice o poison-ade? Sarap yun!”
“Hindi ka pa rin nagbabago,” sabi ko sabay gulo ng buhok nya.
“Same to you,” sabi niya sabay yuko at kutkot muli. So, ang ate naman niya ang hinarap ko. Pinilit kong inusog si Peyti para makaupo sa tabi ni Ces. “Whatda!” Hindi na rin siya nakapalag nang makaupo ako. Nginitian ko na lang siya.
Hinarap ko ang future wife ko at gaya ng nangyari sa resto, nagtitigan muna kami na parang tange. Romantic daw yun sabi ng mga barkada kong girls so go with the flow lang.
Hindi pa man kami tuluyang nakakapag-usap ay tinawag na kami ng katulong nila na inutusan ng mga magulang namin para kumain na daw kami. Nagsunuran naman kami.
BINABASA MO ANG
Not-so Arranged Marriage
Roman pour AdolescentsLance: She's the perfect woman anyone would die to marry, but... . . . . France: I love him... I will marry him because I love him... right? . . . . . Peyti: Ewan ko sa inyo! English-english... Ginugutom niyo ko!