PEYTI:
Anlakas ng hangin dito sa simbahan pero hindi na natitinag ang buhok ko. Pinagupitan ko kasi siya nang maikli, super ikli na parang lalaki. Haha.
Nakakasawa na rin ang mahabang buhok at sobrang init ngayong summer kaya mas okay na ito kahit pa nga halos magkaroon ng World War 3 nang makita ako ng ina ko at ni France.
Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa tuwing nandito ako sa simbahan. Okay na kami ng parents ko, nakita ko ulit si Nanay Mila, ansaya ng birthday ko, at higit sa lahat, legal na akong uminom at mag-bar! Pero joke lang yun, mabait ako eh. Dumating din sa debut ko sina Father Arthur at si Papito, yung isang sacristan na cute. Hindi ko siya crush kasi mas bata siya ng tatlong taon sa kin. Ayoko ng mas bata… o mas matanda… lalo na yung mukhang kabayo.
“Hi.”
“Ay kabayo!”
Nasa tabi ko na lang bigla si kumag. Bakit na naman andito to? Kainis. Pilit ko ngang hindi iniisip yung mga nangyari eh. Kung bakit ba naman kasi pinilit pa ni ina na magkaroon ng 18 roses sa debut ko.. Tsk! Ayoko nang maalala!
“Nice hair.”
Nica hair daw pero hindi tumitingin sa kin, so hindi ko na lang din siya sinagot at tumitig na lang ulit ako kay mama Mary na kapangalan ko pa.
“Anong pangarap mo?”
What?
“Hmm… magkaron ng business na sa akin, matutong pumito ng malakas, makapag tanim ng cactus sa North Pole.”
Sinilip ko siya ng hindi lumilingon. Hindi siya tumatawa pero nakangiti. Naglayo ulit ako ng tingin nang magsalita ulit siya.
“Ang haba naman, ako simple lang. Pangarap ko ang ibigin ka.”
“Naknang! Ay sorry po.” Nakalimutan ko pang nasa simbahan kami. Lumingin ako sa kanya. “Anong trip yan?”
“Akala ko gusto mo sa mga lalaking corny. Corny kaya ni Jimmy.”
“Sinong Jimmy? Baka Gino.”
“Ganun na rin yun.”
Tahimik na ulit kami pero hindi ako mapakali.
“Bakit ka nandito?”
“Binibisita si Father Arthur.”
Tinitigan ko lang siya with matching taas kilay. “Ikakasal na ko, baka ito na ang last time na makakausap mo ko na hindi ako busy.”
Pag katapos ng kasal nila ay sila na ang aasikaso sa business ng mga pamilya. Parang ginagawan pa niya ako ng pabor kung magsalita.
“Hindi ka pa ba sawa? Makipag-date ka na lang sa asawa mo. Alam mo ba kung gaano ka kaswerte na si Frances ang pakakasalan mo?”
Umiling siya ng slight. “Alam mo ba kung gaano ako kaswerte na nakilala kita?”
Bull-frog naman! Bawal magmura. Hindi ko siya pinansin.
“Si Frances ang definition ng perfect girl.”
“For me, it’s you.”
Hay!
“Mahalin mo siya.”
“Mahal kita.”
Hindi kami nagtitinginan. Ayoko, nakakatakot. Natatakot talaga ako pag tumitingin siya. Lumalakas yung dugudugsh ng puso ko tapos para akong nanghihina na nahihilo. Nakaka-high!
“Huwag mo kong mahalin.”
“Anong gusto mo, murahin kita?”
“Mamaya na sa labas, bawal dito.”
“Sabihin mo lang na wag akong tumuloy, hindi ko na itutuloy ang kasal.”
Oh camon men! Walang ganyanan. My goldilocks! Hindi ako makahinga.
“Alam mo kasi,” ang galing ko, nakapagsalita pa ko kahit na hindi na ako makahinga, “okay na kami nila mommy at daddy. Si France masaya na rin at masaya rin ako para sa kanya, para sa inyo. Ayokong magkaron ulit ng ikagagalit sa kin ang pamilya ko.”
Pero hindi mo naman sinabing hindi mo siya L-Laaarrvv. At hindi mo rin po siya pinigilan.
Eh nalilito ako no.
“Naaalala mo yung coral na kinuha ko sa dagat? Ang ganda niya sa malayo, lalo na sa malapitan. Pero kung kinuha ko siya at dinala sa bahay, hindi na siya ganun kaganda. Magiging gray siya at mamamatay. Dapat kasi nandun siya sa karapatdapat niyang lugar. Ikaw si Mr. Coral. Maganda sa malayo pero hindi ka nararapat sakin. Dun ka dapat sa dagat ng France, nilulunod. Hehe. Joke.”
Andrama! Nag-imbento pa talaga ng metaphor.
“Ngayon, sa araw ng kasal mo, katulad ng coral na yun, bibitawan kita at pagmamasdan na lang habang pabalik sa nararapat mong pag lagyan.”
Nakakalungkot ang ka-corny-han ko. Hay. Nakayuko na lang din si Lance na parang nalugi sa sugal. Umalis na lang ako at iniwan siya bago pa umepekto yung sibuyas na hiniwa ko kanina at sumakit na naman ang mata ko.
“Tell me you don’t love me.”
Unti-unti akong lumingon sa kanya bago sumagot, para may drama. Huminga muna ng malalim. “I d-“
“Lance!” sigaw ni Father Arthur at kumaripas ako ng takbo pagkalingon ni kumag.
Hindi ko kayang sabihin. Hindi ko rin naman kasi alam yung totoo. Loser na ako kung loser pero hindi pa ako naiin-love. Hindi ko alam ang pakiramdam at wala rin namang nagkukwento sa akin. Si France, pag nagkukwento tungkol sa mga jowa niya eh parang yung napapanood ko lang sa pelikula. Kinikilig lang naman ako dun. Wala namang kasamang bigat sa dibdib o sakit sa mata. Siguro kasi hindi ko natatapos yung mga pelikula. Nako-cornyhan ako eh. Parang hindi kasi realistic.
Anong realistic?
Yung arranged marriage? Love triangle sa pagitan ng dalawang magkapatid? Nanay na galit sa mahirap dahil nagkaroon ng jowang gold-digger?
Napatunayan kong posibleng mangyari ang mga yun. Pero hindi lahat ng kwento may happy ending. Ang totoong ending kasi, kamatayan, at mukhang hindi happy yun. Mukhang hindi naman kasi mahalaga ang ending sa bawat kwento eh.
Sa mga pelikula nga di ba, it’s either magkakatuluyan yung magka-love team o kaya may isang mamamatay. Laos na yan lalo na sa pelikulang Pinoy. Ang mas mahalaga naman kasi eh yung laman ng kwento at hindi kung paano magtatapos.
Ngayon, ano ang laman ng kwento namin ni Lance?
Wala.
Wala kaming kwento. Sila ni France ang may kwento.

BINABASA MO ANG
Not-so Arranged Marriage
Fiksi RemajaLance: She's the perfect woman anyone would die to marry, but... . . . . France: I love him... I will marry him because I love him... right? . . . . . Peyti: Ewan ko sa inyo! English-english... Ginugutom niyo ko!