NSAM 13

971 17 1
                                        

LANCE:

“Franco, how are you?”

Lumayo muna ako sa tabi ni daddy nang magsilapitan sa kanya ang mga businessmen. I don’t wanna bore myself discussing business in a birthday party. It’s been an hour since we arrived and the party hasn’t started yet. Malapit na akong malasing sa mixed drinks sa tagal.

Nakita ko sa may gilid ng stage ang escort ni Peyti. He looks pretty decent pero medyo naiinip na rin siguro dahil kanina pa rin siya akyat-baba sa kwarto ng debutant na inaayusan ng ate niya. Mukhang mas matanda rin kay Peyti itong escort niyang si Jimmy.

Ano na namang pumapasok sa utak ko tungkol sa age gap? Hmm.

After quite a while, in-announce na ng MC ang pagdating ng debutant.

She’s walking down like a lovely princess with her friendly smile. Her apple-green silk gown is freely flowing but not her curled hair. Ilang hair spray kaya ang nilagay dun para makulot? Hmm… You can feel a bit of nervousness in her eyes but she managed to cover it. Jimmy escorted her to the stage and the crowd applauded.

Gosh, she’s gorgeous.

“How’s my babe?”

“Beautiful…”

“What?” natatawang tanong ni Ces. Napalingon bigla ako.

“Ha? Hehe. Wala. Uhm, great job with Peyti,” tumingin ulit ako sa stage. Nagsalita pa si Ces pero hindi pumasok sa utak ko.

The program started with messages and everything until the 18roses which includes me.

“Lance Jerome Jacinto.”

By the time my name was called, our eyes never parted. I put her right hand on my shoulder and held her left hand. How I wish that sweet music wouldn’t stop and the name of the 13th guy never called.

“Happy birthday, Petit,” I whispered in her ears as I bring her closer to me.

“Next, Patrick Paul Alsol.”

Oh come on!

Even if I passed her to Patrick whoever, I still caught her glancing at me.

Those 30 seconds are one of the best moments of my life. There’s nothing more to argue about, nothing to question. It’s clear all along. All those memories of her: her jokes, her brownies, her mood-swings, her sweet laugh, her lips, her scent-prove how much I love her.

The program is over and I’m just enjoying my vodka while watching the teenagers dancing. This might be the last party I could attend before I make my vows. I wish I could have more time to enjoy. To choose. To back out.

“Hi,” bati ni France na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa boufet table na kinatatayuan ko. Habang tumatagal, nagiging normal na lang ang ganda niya para sa kin. Nothing’s new, very predictable.

“Hey.” Uminom muna ako ng vodka bago siya tiningnan.

“Uhm, I just wanna explain what happened in the bay walk last time.” Hindi siya tumitingin sa kin.

“It’s fine. I understand.”

“No you don’t.” Bigla niya akong tiningnan.

Go. Say you don’t wanna marry me.

“I’m gonna marry you soon so it’s not right to act like that.”

Oh.

“Nasa gitna tayo ng maraming tao. Natural lang na mahiya ka. Nawala lang sa utak ko yun nun.”

She cupped my face with her palm and looked at my eyes.

“I love you.” May diin pa ang pagkakasabi niya. I don’t know but, I don’t feel any emotions. Parang hindi ako ang sinasabihan niya kundi ang sarili niya. Something like that.

Niyakap ko na lang siya para wala nang problema.

“Lance, ikaw na ba yan anak?” tanong sa akin ng isang may katandaan ng babae na kasama ni Peyti. Kumalas si Ces sa akin at hinarap din ang babae.

“Aling Mila,” tawag ni Ces sa babae at niyakap ito.

Aling Mila? Ah, yung katulong nila dati. Oo nga, hindi ko na nga siya nakikita sa bahay ng Altamirano.

“Kayo rin pala ang magkakatuluyan.”

“Talaga po namang sila ang engaged Nay eh,” sabi ni Peyti na hindi tumitingin sa kin.

“Wala lang, akala ko kayo ang magkakatuluyan eh,” nakatingin siya kay Peyti na tatawa-tawa lang din.

“Tao ho ang gusto kong pakasalan,” sabi niya sabay peace-sign sa kin.

She’s so cute.

“Halika rito at kwentuhan mo ako ng mga pangyayari,” yaya ni Aling Mila kay Ces. Naiwan kami ni Peyti na tinatanaw lang sila. May mga kasayawan ang mga kaibigan niya kahit ang escort niya. Ang mga parents naman namin ay nag-uusap pa rin. Kaya nga siguro hindi na rin siya umalis sa kinatatayuan niya na malapit sa akin.

Hindi naman niya ko iniiwasan kahit pa nga nakakaramdam na rin ako ng ilang.

I wanna talk to her but I don’t know how to start. Nagulat na lang ako ng kumuha siya ng isang baso ng wine mula sa waiter at tinungga iyon. Lumingon siya sa akin at inilapag sa boufet table ang wala nang lamang baso saka ngumiti sa akin.

“Legal na ako ha. Wag ka nang umangal.”

“Gusto mo sabayan pa kita eh.” Nagtawanan kami at biglang tahimik ulit. Nakatayo at nakatanaw sa mga nagsasayaw at nag-iinuman. Hindi na talaga ako makatiis kaya medyo lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Pey.”

Bigla niyang binawi ang kamay at nagsalita. “Pupuntahan ko na si Nay Mila.” Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Puntahan mo na rin yung asawa mo.”

“Fiance.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tuluy tuloy nang lumayo.

Not-so Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon