NSAM 6

1.2K 20 1
                                    

PEYTI CUTE:

Konti na lang mapapasok ko na.

Aray aray.

Ayun!

Hay. Haplos haplos muna sa mahaba at tirintas kong buhok.

Bakit naman kasi ang sakit magtali ng buhok? O talagang hindi lang ako marunong. Tumingin ako sa salamin at inayos ang maong kong jumper at green t-shirt. Ang cute ko! Hahaha!

Bumaba na ako at inayos ang basket ko na puno ng banana cake.

“O, saan ka na naman maglalako?”

Kilala ko ang boses na yun kahit hindi ako lumingon. Pero dahil masaya ako at wala sa mood makipag-asaran ay sinagot ko siya ng maayos.

“Malapit sa school.” Lumingon ako dala ang aking basket.

Naka-polo ito at black pants at ayaw ko mang aminin ay gumwapo ito.

Konti.

Baka naligo.

Hawak niya sa kanang kamay ang isang bungkos ng tulip, o anthurium, o calachuchi ba yun. Ewan. Basta sigurado akong Ferrero chocolate yung hawak niya sa kaliwa.

May date ulit. Pero walang nasabi si France nung umalis siya.

“Nauna na siya ah,” sabi ko at nilagpasan si Lance.

“Ha? Surprise tong pagbisita ko eh. Wala kaming date.”

Ooh…

“Hindi ko alam kung san siya pumunta eh. Baka sa office, nagpapraktis.”

Sinuot ko na ang bag kong maglalaman ng kayamanan ko mamaya.

Iniwan ko na sa kusina si Lance na nakatunganga. Nakalabas na ako nang marinig kong sumisigaw siya. “Petit!” Pag lingon ko ay tumatakbo siya palapit, wala na ang bulaklak at Ferrero.

“O, nasan na si Ferrero?”

“Hah?” tanong niya habang hinihingal.

“Wala. Bakit ka tumatakbo?”

Huminga muna siya bago sumagot. “Sama ako. Walang tao sa inyo eh iniwan mo ko,” sabi niya saka sumabay ng lakad.

“E di, umuwi ka,” sabi ko na hindi lumilingon.

“Boring sa bahay. Ayoko naman sa opisina o sa factory.”

“Gumimik ka.”

“Eh…”

Natanaw ko si Aling Tinay na mahilig sa saging! Jackpot. Tumakbo ako at iniwan ulit si Lance.

“Aling Tinay! Kamusta? Bili ho kayo banana bread. Fresh from the baker!”

Ilang kabahayan pa ang nadaanan namin at napaglakuan bago nakarating sa tapat ng Unibersidad ng San Miguel. Ohah! Parang beer lang no.

“Tatambay lang tayo dito?” Umupo si Lance sa may bangko ng tindahang hinintuan namin. Umupo na rin ako.

“Oo, maghihintay ng customer.”

Inagaw niya ang basket ko at binuksan.

“Ano to, hobby o trip lang?” Kumuha siya ng isang banana cake at sinubo agad.

Inagaw ko ang basket with force. “Negosyo, kaya bayaran mo yan.”

Ngumiti lang si kumag.

“Hindi mo na kailangan yan, mayaman naman kayo eh.”

Tumingin ako sa gate ng school. Mukhang magiging seryosong usapan to. “Hanggang kelan? Tsaka mga magulang ko ang mayaman hindi ako.”

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sakin habang ngumunguya. Tumingin ulit ako sa gate.

Not-so Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon