PEYTI:
Ang ingay ng mga gurang! Bakit naman kasi may inuman pa? At in fairness, hindi nila ako sinasaway na matulog na. Kanina, oo. Pero ngayong mga bangag na sila, oks na.
Itong isang to, hindi pa matulog. Wala na ngang partner eh.
“Ang aga naman matulog ng ate mo,” reklamo ni kumag.
“Beauty rest. Yaan mo, padadalhan kita ng daily schedule nya para alam mo.”
Ang ganda ng bonfire. Amazing!
Tumabi siya sa akin at nakisali sa panggagalaw ko sa apoy gamit ang kahoy. “Bakit hindi ka pa tulog?”
“Syempre gising ako.”
“Tulog na…”
“Uminom ka rin para hindi mo na rin ako sawayin,” nakangiting sabi ko sa kanya.
Ilang oras pa ay mala-Jurassic Park na ang eksena dahil sa malulupit na hilik ng mga gurang.
Ako pala ang pasaway huh!
“Ikaw, matulog ka na,” utos ko kay kumag sabay dutdot sa noo. Tumitig lang siya nang nakakatakot. Tumingin ulit ako sa apoy.
“Asar ka talaga sa kin no?”
Deadma.
“Bakit kaya?”
Deadma.
“Nagseselos ka ba?”
Kapal. Deadma. But in the contrary of the contract…
“Sino bang hindi magseselos?” Napansin kong napalingon siya sa akin. Pinatong ko ang baba sa tuhod ko. “Ikakasal na ang kaisa-isang taong nakakaintindi sa akin.” Tumingin ako sa kanya. “Tapos kabayo pa ang pakakasalan.” Tumawa ako.
Nakatulala lang siya at nakanganga pa. Siguro na-gets na niya yung joke ko kaya tumawa na rin maya-maya. Tumitig ulit ako sa amazing fire. “Matulog ka na kaya.”
“Ikaw kaya ang matulog,” bulong niya. Lumingon naman ako para sana sapakin siya pero biglang…
Hinalikan niya ko. 3 seconds. Bilang ko yun!
Dugudugsh…
Sa gulat ko, tumayo lang ako at tumakbo papunta sa may kama ko.
Bakit ako tumakbo? Wala, drama.
Bakit hindi ko sinapak? Ewan. Oo nga no. Ewan! Nakalimutan ko.
Bakit ako umiiyak? Masakit mata ko. Sibuyas siguro. May sibuyas ba ang sinigang? Ah meron! Sibuyas.
Bakit hindi ako makatulog? Insomnia.
Naiintindihan ko na kung bakit nagising sina Snow White at Sleeping Beauty nang mahalikan sila. Unfair! Hindi prince charming ang first kiss ko.
Hay. Ito ba ang thrill na hinahanap ko? My Goldilocks naman!
Thrill nga.
Kumag talaga!

BINABASA MO ANG
Not-so Arranged Marriage
Fiksi RemajaLance: She's the perfect woman anyone would die to marry, but... . . . . France: I love him... I will marry him because I love him... right? . . . . . Peyti: Ewan ko sa inyo! English-english... Ginugutom niyo ko!