NSAM 8

942 19 1
                                        

PEYTI:

“Dalaga ka na nga.” Nagulat naman ako kay Lance nang biglang sumulpot sa tabi ko. Hindi ko siya nakulit kanina dahil wala ako sa mood kaya nagpakasawa na lang kami sa paglangoy.

Kanina ay nagkakantahan sila sa bar kaya lumabas ako. Ansarap ng hangin ng dagat tuwing gabi. Tinatangay ang long shiny hair ko na pinakatatagu-tago ko dahil ito na lang ang natitirang maganda sa akin. Sana mga problema na lang ang tangayin ng hanging ito. Tapos dalhin sa mga mas nangangailangan. Kung sinumang nangangailangan ng problema.

“Tinulugan mo naman ako.”

“Hah? May tao pala. Hehe.” Nakapikit kasi ako dahil nagmomoment. Asungot talaga.

“Anong favorite color niya?”

“Pink. Hindi mo alam?” Nahihiya pa daw siyang magtanong kay France. Takte! Magpapakasal na sila sa isang buwan, nahiya pa.

“Eh ikaw?” tanong niya sa kin

“Brown.”

“Yuck! Parang tae naman.”

“Adik! Yun din po ang kulay ng chocolate at brownies.”

“Black ang brownies.”

“Adik, kung black yun edi Blackies na yun.”

Nagtawanan lang kami.

“Lance!” tawag ni France.

“Rhyme pala ang pangalan niyo no? Lance, France. Hehe.”

Nakangiti siya sa akin. Weird na ngiti. Kakatakot. Haha.

“Lance, babe?”

“Babe? Parang baboy lang.” Nagtawanan uli kami. Tumayo na ako. Inaabot niya ang kamay niya para magpatulong tumayo, iniwan ko siya.

“Ansama mo Petit!”

“Wahahaha!”

“Si Lance?” bungad sa akin ni kapatid.

Nakakatunaw ang titig ni France. Bongga! Jelous much.

“Andun.” Tinuro ko sabay pasok sa loob.

Not-so Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon