EPILOUGE

1.5K 30 12
                                    

PEYTI:

“San mo gusto magpakasal?” Nagulat ako nang yumakap sa likod ko ang jowa kong poging kumag.

“Eeh! Ayoko pa no. Kakagraduate ko pa lang eh. Aasikasuhin ko muna ang business natin.” Buti na lang mahina ang kiliti ko kaya kahit anong halik niya sa leeg ko, walang effect.

“Eh kelan pa?”

“Pag 25 na ako.”

Bigla siyang kumalas. “What? Magte-trenta na ako nun.”

“Yuck! So old!” Kumuha pa ako ng dessert dahil ang sarap nito. Sana matutunan ko yung gawin. Nasa reception kami ng kasal ni France at ni tibo. Hindi siya sa simbahan dahil bawal yun di ba. Basta gumawa sila ng paraan para maikasal kahit ilang gallon ng ammonia ang naubos dahil halos maya’t maya hinihimatay si ina. Basta happy ako for her and for me too.

Nilapitan ko siya. “Congrats, I’m happy for you ate.”

Lumingon siya na maluha-luha. “What?” Nagtataka ako kung bakit maluha-luha siya.

“This is the first time I heard you call me ‘ate’.” Ah, kaya pala. “Pero mas gusto ko ang Mafrey. Unique sa akin.”

“Hehe. San ang honeymoon?”

“Heh! Tumigil ka dyan. Eh kayo, kelan ang kasal?”

Nilunok ko muna yung nginunguya kong dessert na hindi ko alam ang tawag bago sumagot. “Isa ka pa. Wag nga kayong excited dyan.”

“You know what, matagal ko nang pansin na ikaw ang gusto niya.” Nakatingin siya kay Lance habang nagsasalita. “Natakot nga ako na iwan niya ako kasi baka walang matira sa akin. Lagi na lang akong iniiwan ng mga boyfriends  ko. But I realized when he walked down the aisle, supposed to be, to marry me, how much he sacrificed for my own good and our parent’s happiness. Tsaka hindi ko naman talaga siya mahal, although he’s gorgeous.”

“Akalain mo yun, mas malandi pa pala ako sayo. Akala ko nga ako ang hindi babae sa atin eh.” Natawa lang siya. “I love you Mafrey. Mas nauna pa kitang sabihan niyan kesa sa jowa kong kumag.”

“Dapat lang no.”

“Aagawin ko muna ito ah,” sabi sa akin ni tibo saka sinayaw si France.

“May ibibigay ako sayo,” sabi ng jowa ko nang makaupo ako sa tabi niya. Isang may kalakihang box ang ibinigay niya sa akin. Pag bukas ko, puro buhok.

“Ano to? Puro buhok naman.”

“Remember when I talked to you at the church before the wedding? Matagal na kitang sinusundan before pa nun, at alam kong magpapagupit ka kaya nakipag-deal ako sa mga manggugupit na yun para kunin ang buhok na igugupit sayo.”

“What for?”

“Wala lang, trip.” Natawa lang ako saka hinaplos ang nakatali pang buhok. Creepy but sweet.

Oo, sweet. Pagbigyan na lang, minsan lang ako lumandi.

May napansin akong matigas sa ilalim kaya hinugot ko. Singsing. Nice, unpredictable ha. Medyo.

“Need I say more?” tanong niya na tinapat pa ang bibig sa tenga ko.

“No.”

“Anong no?” Nagulat siya.

Hehe.

Hindi na-gets.

“Tanong mo di ba, ‘need I say more?’ edi no. You don’t need to say more.”

“So…” Mukha siyang bata na naghihintay ng candy galing sa kin.

“April 12, next year.”

Nagtatatalon siya sa tuwa saka ako yayakapin sana pero binatukan ko siya. “Ang-OA mo!”

“Love you.”

“Same to you.”

Saka ko na siya sasabihan pag kasal na kami.

Pakipot muna.

Haha.

----end----

__________________________________________________________

Salamat sa pagsasayang niyo ng oras basahin lamang ang nobelang ito. :)

Not-so Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon