CHRISTIAN PAULO'S POV
Maaga akong gumising ngayon at inabangan si Alexa, gusto ko siyang makasabay magjogging.
Ilang minuto lang at lumabas na siya sa bahay nila, pinauna ko siya ng konti para hindi niya mahalatang hinintay ko siya, ilang metro na ang layo niya saka ko siya sinundan.
"Hi, good morning! pwedi ba akong sumabay?" bati ko sa kanya.
"hey good morning too. Sure."
Nagjogging lang kami dun sa oval field.
"Ahm, upo muna tayo." yaya niya at umupo na kami sa bermuda grass.
"Kumusta na?" tanong ko sa kanya.
"ok lang" maikling sagot niya.
"Si Jenfaye?" medyo nagulat siya sa tanong ko.
"Ah si JenFaye, ahm ok na kami, nabigla lang daw siya dun sa party kaya ganun ang naging reaksyon niya."
"Ah ganun ba, actually hindi naman talaga.."
"Hey Timmy!!" hindi o natapos ang sasabihin ko kasi tumakbo palayo ang aso niya. Epal naman aso yun oh. Sasabihin ko na sana yung totoong nangyari talaga sa amin ni JenFaye. Siguro sa susunod na lang. Tumayo na rin ako at sinundan sila.
Pagkatapos naming makuha ang aso niya naglakad na kami pabalik sa mga bahay namin.
Bago siya pumasok sa bahay nila, nagsalita siya.
"Ahm Paulo, vacant ka ba ngayong sunday?"
"Sunday? Bakit? yayayain mo akong magdate? Sure" pagbibiro ko sa kanya.
"Asa ka pa, Date ka jan! Kasi inaya ako ni Kuya na sumama sa pagvisit nila sa orphanage"
"Ah, so ako ang gusto mong ka.date sa pagpunta dun?"
"Tse, pwedi ba patapusin mo muna ako, kasi nga ininvite din ni Kuya si Drew. So dapat andun ka din baka kulitin na naman ako nun eh"
"Ahh, ganun bah? Pag-iisipan ko muna"
"What? Sinabi ko ba na may choice ka? You will come with me on that day."
"Wla pala akong choice eh, bakit mo pa ako tinanong kung vacant ako?"
"Well para i.vacant mo yang araw na iyan"
"But..."
"No buts"
"Okay, wala din naman akong choice eh." tatalikod na sana ako nang magsalita siya ulit.
"Do you wanna have coffee, C'mon let's get inside" ano ba yan, wala ba talaga siyang soft side? Parang inuutusan pa rin kasi niya ako eh.
"Sure"
Andito kami ngayon sa may poolside nila nagkakape. Parang ang strange ng pakiramdam ko. Weird, it's just that I felt a certain happiness na nakasabay ko siyang mag.coffee. Ang weird naman.
"hey!"nagulat ako kasi tinulak niya ako.
"Ang layo yata ng nilakbay ng isip mo"
"Ha? ah, eh... ano nga ba yung sinabi mo?" parang lutang pa rin ako.
"Sabi ko next week na matatapos yung kontrata natin."
"OO nga pala,hindi ba pweding i.extend??"mahinang pahabol ko.
"Ha? may sinabi ka?"
"Wala, wala." pheww parang nalungkot ako bigla kasi matatapos na ang kontrata namin, Diba dapat maging masaya ako dahil makukuha ko na ang project. Bakit ganito? Ewan.
CASEY ALEXANDRA'S POV
Parang nalungkot ako bigla na matatapos na ang kontrata namin.
SAKTAN MO SIYA.!!
umalingawngaw sa utak ko ang sinabi ni Jenfaye
Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko.
Paano ko naman sasaktan ang taong walang pagtingin sa akin... ang hirap kasing hirap na maglaba ng walang sabon... ano ba 'yo kung ano-anu na tuloy ang naiisip ko.
Sasabihin ko nalang kaya kay JenFaye na palabas lang ang lahat. Pero baka hindi siya maniwala. At tsaka hindi rin pala dapat sabihin yun.
Wala talaga akong maisip na paraan. Hindi ko rin naman kasi naranasan na magkaboyfriend eh.... miyembro ako ng samahan ng mga single since birth... hay naku.!
Unconsciously nagulo ko yung buhok ko.
"Okey ka lang ba?"
"Ai palaka!! bakit ka ba naggulat ha?" nandito pa pala sa harapan ko ang freak na'to.
"Ah kasi, parang lumagpas na sa Earth ang nilakbay ng isip mo eh"
"Ha? Ah h, pasensya ka na... may iniisip lang ako"
"Ah, ganun ba? Ah mauna na pala ako, almost 8 o'clock na pla pupunta pa ako sa opisina"
"OO sige.Kita nlang tayo sa sunday"
"Okay. Ano nga pala dadalhin ko?"
"Dalhin mo lang sarili mo, ayos na" pagbibiro ko.
Napatigil kami sa pagbibiruan ng may sasakyang huminto sa harapan namin.
<To be continued>
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
End of Chapter.
Short update lang talaga, medyo busy... babawi ako sa susunod ^_^v
Thank you for reading.
Please vote and Comment ^__^

BINABASA MO ANG
The War Between Love and Hate (Completed)
RomanceHindi akalain ni Christian Paulo na si Casey Alexandra ang babaeng araw araw niyang iniinis at tinatawag na Monster ang mayhawak pala na malaking alas para sa career niya? At upang makuha niya ang isang mahalagang kontrata kailangan siyang maging b...