ANDREA MONIQUE ANDRADE'S POV
Narinig kong dumating ang sasakyan ni kuya Paulo.
Pagpasok niya sa pintuan, pasipol-sipol at may pangiti-ngiti pa siya.
"Kuya parang nag-enjoy ka sa party ah at ang saya saya mo yata"
"Oh, gising ka pa pala," parang nagulat na sabi nito.
"Ah oo kuya kasi may tinatapos pa akong assignments, patulong naman oh"
"Ano ka ba, kayang-kaya mo na yang assignments mo, Ikaw pa"
"Sige na kuya, inspired ka naman eh, pahingi nga ng inspired potion para mainspire naman akong gawin tong mga assignments ko," biro ko sa kanya.
"Bakit ba may assignment pa kayo eh malapit na graduation niyo?"
"Ahm parang huling project na rin namin to kuya"
"Ganun ba? alam mo na ba ranking mo para sa graduation?"
"Actually Kuya hindi pa eh, siguro nesxt week pa ipopost, kinakabahan nga ako baka hindi ako mapasama sa Top Graduates eh"
"Eh, ano naman kung hindi, ang mahalaga matatapos mo na pag-aaral mo"
"Eh siyampre naman kuya para may maisukli naman ako sa pagiging Best Kuya sa akin, at least makikita mong may magandang esulta naman ang mga paghihirap at sakripisyo mo."
"Haay naku nag-eemote na naman tong little sister ko," at ginulo niya ang buhok ko.
"Kuya naman eh"
"Sige na tapusin mo na yang assignments mo para makapagpahinga ka na, past midnight na oh, sige mauna na ako sa taas *YAWN*" paalam ni kuya
"Excited ka lang matulog kasi gusto mo makita si Ate ALexa sa dreamland, hahaha," biro ko sa kanya
"Paano mo nalaman, ha?" sakay naman niya sa joke ko
"Sige na kuya, matulog ka na, kwento mo nalang sa akin ang panaginip mo bukas"
"Sige na , goodnight na little sis"
"Good night big brother"
Pssh kakatuwa talaga si Kuya. Siyaempre alam ko na ang ranking ko para sa graduation.
Ako ang Summa Cum Laude sa batch namin pero siyempre hindi ko muna sinabi sa kanya para surprise.
Sa graduation ko na sasabihin sa kanya.
Binriefing ko na nga mga friends ko na huwag ipost sa Facebook eh, mga epal pa naman yung mga yun.
Parang Thank You gift ko na rin kay kuya ang award ko kasi simula ng mamatay ang parents namin siya na ang tumayong parent ko.
I'm very blesses to have him as a brother kasi never niya akong pinabayaan.
I'm always his top priority.
Kaya siguro, never pa siyang nagkaserious relationship dahil na rin sa responsibilty niya sa akin.
Kahit kasi nung nabubuhay pa yung parents namin siya na yung nandiyan para asikasuhin lahat ng kailangan ko.
I'm very lucky to be her sister.
Weeh, nag-emote na naman aketch. Ahm tapusin ko na nga tong assignment ko para makatulog na rin ako.
CHRISTIAN PAULO'S POV
Weew! Nakauwi na rin kami galing sa party.
Nakahiga na ako ngayon, but I don't feel sleepy at all.
Ewan ko parang hindi pa rin ako naka.get over sa nagyari kanina nung nagsasayaw kami.
Ang lapit lapit ng mukha niya, ang sarap niyang halikan.
Sobrang pagpipigil ko talagang hindi siya mahalikan at baka bugbog sarado ako.
At tsaka emepal pa yung exgirlfriend kong si Bettina. Matagal nang tapos ang relasyon namin.
Mabuti na lang nadala ko siya sa mabuting usapan, at tsaka sa nabalitaan ko may boyfriend na siya kaya bakit pa siya nakiki-epal.
Sobrang pagpipigil ko talaga kanina na hindi matawa sa nga pinagsasabi ni monster laban kay Bettina. Kakatawa talaga siya, ang tapang tapang pa.
Am I feeling something for her? No hindi dapat, at tsaka hindi pwedi.
Ayokong mapawalang bisa yung agreement namin.
I badly need that project.
It can help a lot to my company.
Siguro natutuwa lang ako sa kanya.
Ganun lang yun.
Pero bakit hindi pa rin ako makatulog.. ahhh... kinulam kaya niya ako?
Lage ko kasing naiisip yung mga labi niyang nang-aanyaya.
Ahh... kailangan ko ng matulog at may meeting pa ako bukas. Ahh mamaya pala, quarter to 2 na pala.
Teka, itetext ko siya.
Ano naman itetext ko?
Ano ba 'to para naman akong teenager nito.
Sige na nga itetext ko na siya.
Good night ^_^
Message sent.
END OF CHAPTER
Sorry short Chapter lang, babawi ako sa susunod.
Thanks for reading, hope you liked it.
PLEASE VOTE AND FAN
BINABASA MO ANG
The War Between Love and Hate (Completed)
RomantikHindi akalain ni Christian Paulo na si Casey Alexandra ang babaeng araw araw niyang iniinis at tinatawag na Monster ang mayhawak pala na malaking alas para sa career niya? At upang makuha niya ang isang mahalagang kontrata kailangan siyang maging b...